Kapatid tinaga ng kuya sa Apayao

Tinaga ng kuya ang sarili nitong kapatid bandang 11:30am ng Setyembre 23, 2018 sa Purok 3 Barangay Ili, Conner, Apayao.
Lumabas sa imbestigasyon na umuwi ang magkapatid na Randy Uyasan Balawag, 42 anyos, at Marvin Uyasan Balawag, 44 anyos, kapwa magsasaka at residente ng nasabing lugar ng pinangyarihan, sa kanilang bahay galing sa lamay nang hamunin ng biktimang si Randy, na lasing, ang kuya niyang suspek na si Marvin.
Binawela ng suspek ang kapatid at binalaang tumigil ito. Iniwanan ng suspek ang kapatid subalit sinundan ito ng kapatid kaya kumuha ng bolo ang suspek at tinaga ang biktima. Dinala ang biktima sa San Juan Medical Clinic sa Baricawen, Ili, Conner, Apayao at kalauna’y inilipat sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City. Nagtamo ang biktima ng taga sa kaniyang kaliwang balikat, tatlo sa ulo at isa sa noo.
Inaresto ng mga rumespondeng personnel ng Conner MPS ang suspek at narekober ang bolong ginamit.

Amianan Balita Ngayon