P4.2-M MARIJUANA, SHABU, NASABAT SA BENGUET

LA TRINIDAD, Benguet

Nakakuha ang mga pulis ng Cordillera ng mahigit P3.2 milyon na halaga ng marijuana, shabu at naaresto ang itong drug pusher sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon sa paglaban sa mga aktibidad ng ilegal na droga sa rehiyon.
Ayon sa mga ulat mula sa Regional Operations Division mula Abril 1 hangang 7 ay limang drug personalities kasunod ng pagkakadiskubre ng hinihinalang shabu, na may kabuuang 4.47 gramo, na mayroong Standard Drug Price na P30,396.00. Pinangunahan ng mga operatiba mula sa Benguet Police Provincial Office (PPO) at Baguio City Police Office ang matagumpay na pagdakip, na may tig-dalawang arestuhin, habang ang Abra PPO ay nag-ambag ng isang pag-aresto.

Sa mga nakakulong na suspek, apat ang inuri bilang HighValue Individual, na may isa na kinilala bilang Street-Level
Individual. Lahat ng mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Kasabay nito, ang magkahiwalay na operasyon ay nagtarget sa mga lugar ng pagtatanim ng marijuana, na nagresulta sa pagkatuklas ng mga plantasyon sa Bakun at Kibungan, alawigan ng Benguet. Nadiskubre ng mga operatiba ng Benguet PPO ang kabuuang 4,675 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants, kasama ang 20,000 gramo ng pinatuyong tangkay ng marijuana at mga punong namumunga, na tinatayang nagkakahalaga ng P3,200,000.00.

Noong Abril 10, muling isinagawa ng marijuana eradication Benguet PPO at nakasamsam ng kabuuang P1,021,944.00 halaga ng iligal na droga at ang naka-aresto ng dalawang drug personality. Sa sunud-sunod na
operasyon ng pagpuksa ng marijuana ng pinagsanib na operatiba ng Benguet Police Provincial Office, Regional
Intelligence Division, Regional Intelligence Unit 14, at Philippine Drug Enforcement Agency- CAR, limang plantasyon ng marijuana ang natuklasan sa Sitio Lingey at Sitio Bana, Barangay Tacadang, Kibungan, at Sitio Dacap,
Barangay Kayapa, Bakun, Benguet.

Pinagbubunot ang 4,580 piraso ng fully grown marijuana plants (FGMJP) na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na P916,000.00. Samantala, ang pagpapatupad ng search warrant na isinagawa ng magkasanib na operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit at Buguias Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Buyacaoan, Buguias,
ay nagresulta sa pagkakaaresto sa isang 38-anyos at 40-anyos na lalaki, kapuwa magsasaka, matapos mahulihan ng at ang pagkakadiskubre ng 15.58 gramo ng shabu na may SDP na P105,944.00; gramo ng tuyong dahon ng marijuana at anim na transparent sachet na may residue.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon