BAGONG BAKUNA: ALL IN ONE

NGAYONG nahimashimasan na ang karamihan, ay ating timbanging mabuti ang anunsyong mayroon ng bagong bakunang panlaban sa lahat ng subvariant na ngayon ay kumakalat, kasama na ang pinagngingilagang supervariant
daw na higit na mabilis makahawa, at higit na mabagsik ang dalang epekto, lalo na sa mga may kasalukuyang
dinaramdam na seryosong sakit.

Kamakailan ay nanunsyo na merong isang bakunang kinakitaan ng super-bisa na
panlaban sa super-variant ni Covid. Isang turok lang daw, o isang tabletang lalagukin, ligtas ka na sa panibagong
pananalasa. Dapat na maseguro natin ang pinagbubuhatan ng balitang ito, kahit na galing sa mga eksperto.

Ang dapat na intindihin, paano kung ang marahas na super-variant ay manganak pa ng ibang higit pa ang bagsik at
bilis? Gagawa na naman sila ng panibagong bakuna? Kung gayun, walang tigil ang agos ng mga ginagawa natin ngayon. Ang sabi nga ng aking barber, “Kikita na naman ang mga gumagawa ng bakuna. Walang kaduda-duda, liligwak ang balde na pagsasalukan ng walang hanggang kita!” Ah basta, ang paniwala natin ay tama na ang dalawang booster, matapos na maturukan ng primary dosage, anuman ang ngalan.

Nito ngang nakaraang mga araw, hindi maitatanggi ang bagong puwersa at enerhiyang bumabalot sa mga vaccination site. Walang puknat, kahit na madalang, ang dating ng mga nagpapabakuna. Matatandaang, mismo si
PBBM ang syentoporsyentong kumbisido na nasa mabilisang booster shots ang kaligtasan ng madlang pipol, kung kaya’t daglianginilunsad ang pinalawak at pinaigting na pagtuturok ng mga kailangang dagdag bakuna, na dapat sa loob ng 100 araw, ay naabot na nga vaccination target ang kanilang marka.

Nakababahala nga naman na tuloy-tuloy ang paglobo ng mga kaso ng hawaan nitong halos ay 2 buwan na, bagay na
matagal na ring namanmanan. Hindi pa tapos ang laban, kahit na sinasabing nasa huling hininga si covid-19.
Mas higit pa daw ang bagsik kung meron ng sub-variant na pinaghalong Omicron at Delta higit na mabilis ang
pagkakasalin, tao-tao, at higit na mabagsik ang tama sa katawan ng nahawaan.

Ang siste pa ay ang napakalayong agwat ng mga bakunado sa mga dagdagbakuna. Tila nga naman na sa mga halos 85% o mga 90 milyon ng ng target populasyon na bakunado ng primary doses, eh bakit nga naman wala pang 12 milyon ang boostered up? Anyare? Totoo ba na umiiral ang paniwala na pwede ng proteksyon ang primary doses, kaya hindi na kailangan ang added vaccine boosters? May dulot nga bang peligro sa mga nagpa dagdag-bakuna,
bagay na hindi inaasahan? Ano nga ba ang katotohanan na maibabalandra sa mga patuloy na may agam-agam o
pangamba, kung kayat napakababa ng bilang ng mga boostered up? O sige, PinasLakas, atin ng gawin sa lahat ng sulok ng Pinas.

Ipakita ang bagong lakas ng bakunahan. Hanapin ang mga pa-kyeme-kyeme, pa-helehele, at pa-teka-teka. Siguro
naman, meron tayong imbentaryo ng mga bantulot na mag pa booster up, bawa’t barangay, bawa’t bayan, bawa’t probinsya. Sobra sa 2 taon tayong nagpanuka ng daglian nang dumating ang mga bakuna; walang dahilan kung
ang mga datos ay hindi pa naihanda.

O sige, habang walang pila, magpa-boost up na. Iwaksi ang pangamba. Lunurin ang agamagam. Isantabi ang mga
espekulasyon tungkol sa mga side effects, na kayang-kaya namang pawiin ng Paracetamol. Walisin sa kaisipan ang gamundong problema pag naging  3 o apat na ang naiturok na bakuna. Proteksyon mo, proteksyon ng pamilya, at
proteksyon ng kaibigan o hindi. Wala ng kaduda-duda, ang ating kaligtasan ay nasating mga kamay at braso. Maging
bakunado, maging boostered up.

Now na! Dyan tayo aahon,babangon, at muling uunlad bilang isang nagkakaisang s a m b a y a n a  AngatTayoBaguio! Dapat na ring aminin na natin na hindi na biro ang patuloy na pagtaas, at paglobo ng mga kaso, dulot na rin ng mga bagong sub-variant ng isang virus na hindi nagpapatinag, hanggang ngayon ay nagpupumilit pa ring makapaghasik ng lagim at pangamba.

Hindi ba’t ito na ang bagsik ng sinasabi ng mga eksperto na bagong hampas ni covid-19? Teka, teka, huwag daw munang bigyan ng kulay ang mga naipapahayag na sitwasyon. Kung ang tumbok ng bagong pananakot ay upang ibalik ang mga Alert Level sa pataas na hagdan, may epekto din naman ito sa binuksan ng ekonomiya. Paano na ang mga bagongbukas na trabaho na ngayon pa lang ay kinakikitaan na ng sigla at enerhiya?

Eto nga at humihiyaw na sa aray ang mga milyonmilyong trabahador na pilit binabadyet ang manipis na sweldong pan-intrega kay Misis. Ang presyo ng gasoline at diesel ay umiindayog sa pagitan ng P90 at P98 bawat linggo nang simulant ang walang habas na pagtaas. Syempre, ganun din ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Mas madalas ang pagtaas, kesa kelan pa bababa. Buti na lang, nitong 4 na linggo, ay nag-roll back ang presyo ng krudo at gasolina. Hanggang kaylan kaya mananatili sa ganoong sitwasyon ang tila walang puknat na hagupit ng mga lampas-bubong na pagbulusok?

Kaya naman, malaking hamon sa ating mahal na PBBM ang dagliang aksyon upang kahit papaano ay mabigyan ng konting hininga, hindi hinaing, ang daing ng mga kababayang lugmok na sa hirap, pighati, at
panlulumo. Pag-ahon, pag-bangon. Pag-sigla at madaliang pagyakap sa Bagong Normal na buhay dyan tayo makakaangat ng walang lingon-lingon.

Amianan Balita Ngayon