DALAWANG SUNDALO ANG NAGHAIN NG BUHAY PARA SA MGA RESIDENTE NG KABUGAO, APAYAO

KABUGAO, Apayao – Dalawang sundalo ng 98th Infantry Battalion ang nag-alay ng kanilang buhay para protektahan ang mga mamamayan ng Barangay Lenneng, Kabugao, Apayao laban sa Communist Terrorist
Group (CTG) noong Agosto 18. Ang mga nasawi sa enkuwentro sa mga rebelde ay sina 2Lt Nasser Dimalanes, 28,
tubong Datu Odin Sinsuat, Maguindanao at isang Muslim.

Siya ay kinomisyon noong Nobyembre 16, 2017 at itinalaga sa 98th Infantry Battalion bilang Platoon Leader ng Bravo Company. Ang opisyal ay produkto ng ROTC at pumasok sa serbisyo sa ilalim ng Officer Preparatory Course.
Habang si Private First Class Jaime Fontanilla Jr., 29, residente ng Luna, La Union ay pumasok sa serbisyo noong
Hulyo 21, 2018 at unang nakatalaga sa Headquarters Service Battalion ng 5th Infantry Division.

Pagkatapos ay idineploy siya sa 54th Infantry Battalion at kalaunan ay itinalaga sa 98th Infantry Battalion. “Kami ay nagdadalamhati sa pagkamatay ng aming mga nasawing kasamahan na nagalay ng kanilang buhay para iligtas ang mga mamamayan ng Kabugao,” sabi ni LtCol Abraham Gallangi Jr., Battalion Commander ng 98IB, na nakatalaga sa Camp Melchor dela Cruz,Upi,Gamu,Isabela.

Ang 15 sundalo ng Scout Platoon ng IB, sa pangunguna ni Dimalanes ay nagsasagawa ng Focused Military Operation at pagdating sa boundaries ng Barangay Katablangan sa Conner at Sitio Banan, Barangay Lenneng sa bayan ng Kabugao bandang 12:50 p.m nang maka-enkuwentro nila ang humigit kumulang 30 miyembro ng CTG sa ilalim ng Kilusang Larangan Gerilya North Abra at sumiklab ang palitan ng putok ng baril.

Zaldy Comanda/ABN

WOMEN POWER!

Amianan Balita Ngayon