BAGONG GUSALI NG PVAO, BINUKSAN SA CAMP ALLEN

BAGUIO CITY

Malaking ginhawa ngayon sa mga beterano ang pagbubukas ng bagong opisina Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na matatagpuan sa Camp Allen, Baguio City. Ang Blessing and Inauguration ng PVAO – FSEO, noong Marso 10, ay dinaluhan nila Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Lt. Gen. Rowen Tolentino at Veterans
Federation of the Philippines (VFP) Regional President Darlito Dumlao, bilag suporta sa bagng gusali na magbibigay
serbisyo sa mga beterano sa rehiyon ng Cordillera.

“It is our responsibility to make sure that the legacy lives on, and that their sacrifices are never forgotten, and most
especially, their needs are also attended to,” pambungad na bati ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Itinayo ang gusaling ito upang mas mapabilis ang mga transaksyong kinakailangan ng mga retirado at veterans, na kung dati ay pinapatawag pa sila sa Manila, kaya tumatagal ang proseso sapagkat ilan sa kanila ay hirap ng bumiyahe.

“It’s also the process of transforming our office, our agency, leveraging technology, the processing technology to
actually enhance our systems, our procedures, and of course to improve the quality of our services,” pahayag ni PVAO Administrator Reynaldo Mapagu. Dagdag pa ni Mapagu, ang pagtatayo ng bagong gusali para sa mga retirado at veterans ay napapahon para mas mapapabuti at mas mabibigyan sila ng mga serbisyong kanilang kinakailangan lalo na sa paglalakad ng mga papeles at iba bang dokumento.

Layon ng pagpapatayo ng gusaling ito na mas mapalapit ang PVAO sa mga veterans at malaking tulog rin ito sa mga
empleyado. “Medyo madali na siya, kumbaga mas convenient para sa ating mga veterans. Aside from the job of processing their needs, gusto rin namin magkaroon talaga ng tunay na interaction, relationship talaga sa ating mga veterans,” pahayag ni Engr. Valerico Lim, Chief of the General Services and Support Management. Bukas ang opisina ng PVAO mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Almira Mia P. Marasigan/UBIntern

Amianan Balita Ngayon