BAGONG PANGANIB

HINDI maikakaila ang pangambang dulot ng pinakabagong mga pahayag galing sa WHO. Sa isang iglap, nakakagulantang. Muling pumipiglas ang puso, umiikot ang mundo, at tuliro na naman ang isipan tungkol ke covid. Di-umano, merong bagong panganib na ating haharapin, mga super variant na higit ang bangis makahawa.

Huwag na nating pansinin kung ano ang mga ngalan. Coded kasi, nakatago sa hindi maintindihang mga numero. Ang mahalaga ay dapat maunawaan ang bangis Ng kanilang hampas. “Immuno escape” daw. Ibig sabihin, ang super V ay kayang makahulagpos sa ating immunity system. Sa simpleng pag-unawa, iwas-pusoy. Ano ba ito? Parang walang katapusan ang hirap at dagok sa atin ni covid.

Sa panahong parang bagong normal na, nakakabahala ang mga bagong banta ng patuloy na pananalasa ng pandemya. At dahil na rin sa ganitong uri ng panganib, hindi maikukubli ang pangamba, hindi maiiwasang muling sakluban ng takot. Lampas dalawang taon tayong hinagupit ni covid. Mahabang panahong din tayong nahambalos ng mga paghihigpit upang iwas-hawa at iwas-makahawa.

Noong kasagsagan, halos hindi tayo lumalabas ng bahay, at pag may pagkakataong nasa labas, buong ingat nating sin uod ang mga patakarang pangkalusugan at kaligtasan. Hugas kamay,iwas-kapwa, hanggang fist-bump lang, suot face mask at face shield. Lahat ating ginawa ng buong kusa at bukas loob,
mapanatili lamang na ligtas sa hagupit ni covid.

Ngunit nitong nagdaang mga buwan, dumausdos ang bilang Ng mga covid cases, habang umakyat naman ang bilang Ng mga bakunado. Ang mga kaso ng pagkakahawaan say hindi gaanong inalintana ang mga
sintomas ng sakit, malinaw sa mga may dinadalang mga ibang mga malalang mga sakit. Ilang buwan ding walang gaanong na-oospital na me covid. Sipon-sipon lang daw, ubo-ubo at tulad ng nakagawian, sa bahay na lamang nagpapagaling.

Bakit nga naman mag papa-ospital, at gagastos pa, eh pahinga lang ang kailangan upang mawala ang pananakit ng katawan? Alam naman natin na ang ordinaryong pamilya ng Pinoy ay ma-diskarte sa buhay. Sa panahong magastos ang pamumuhay, tipid-tipid lang, ok na ang buhay. Ngayong me bagong panganib, siguro naman doble, tripleng ingat na lamang ang kailangan para iwas pusoy ke covid, anuman ang bantang dala ng mga super-variant. Kung hindi pa bakunado, humayo na sa bakunahan at ibigay ang braso. Kundi pa boostered, huwag ng hintaying masaniban ni covid. Ibigay na ang braso. Bagong panganib? Ibigay ang bagong tugon. Laban pa!#

NO STORY

TOP LOAD

Amianan Balita Ngayon