BAGONG TAON…. HAPPY NEW YEAR!!!!

Habang sinusulat ang espasyong ito….rumirepeke na ang mga samu’t-saring hakahaka hinggil sa kung ano kaya ang meron netong Bagong Taon sa ating buhay. Parang kaylan lang ang 2022. Kung
ating sasariwain kung ano nga ba ang naganap sa ating buhay sa taong ito…may lakip na duda kung ano nga ba, di ba? O baka dahil kaya sa wala tayong nagawa? Yan nga ang ating dadaplisan sa isyung ire, pards: Maniana habit…ito ang karakter ng buhay na ating iniwan sa taong 2022.

Kaya sa taong ito, 2023…ngayun natin muling bubunuin ang ating mga pangarap na hindi natapos sa nagdaang taon. Laging ganito di ba? Laging sa susunod na taon na lang muling hahakbang. Tanong: sa ganitong ugali, kaylan tayo makakausad? Baka CHACHACHA LANG ang ating kilos. Atras. Abante. Paikut-ikot lang. Ang malaking tanong: may mga listahan ka ba sa mga dapat mong tapusin sa 2023? May kasabay ba itong mga pamamaraan kung papano isasagawa ang iyong mga
plano?

He he…baka nag-iisip ka pa lang, pards…uunahan na kita. Palagay ko, wala kang nabuong plano kung ano ang mga dapat mong gawin netong 2023. Tama ba ako? Kung isyu ang usapan…mga simple lang ang ating uriratin ngayon. Baka di natin kayang buhatin ang mabibigat. Presyo ng bilihin na lang tayo, pards. Kamakailan, bago nag-Pasko…mala-ginto ang halaga ng mga bilihin lalo
na yong mga pang-noche buena. Bago magBagong Taon, lalong nagtaasan ang presyo ng mga bilihin.

Sibuyas, mapakamahal. At iba pang commodities. May banat pa nga, sa ganitong mga
uncontrollable price increase, dapat daw wala na tayong gobyerno, kasi wala daw nagagawa ang kasalukuyang gobyerno. E ikaw? Ano ang ginagawa mo para sa gobyerno? Nakakatulong ka ba?
Sa mga nangyayari sa ngayon, kaliwa’t-kanan ang mga imbitasyon sa ating Pangulong Marcos mula sa ibat-ibang bansa.

Talagang simbango ng sampaguita si Ka Ferdie Jr. Tama kasi ang timpla ng kanyang administrasyon. Kung may sablay…sa mga kontra na lang yan. Ang isang ehemplo ay ang kanyang
paninindigan na bago tayo mag-import, alamin muna natin kung ano ang meron tayo. Hindi yong kung may gustong magpautang, sunggab agad. Hindi rin nakakalusot sa kanya ang mga palpak na serbisyo ng mga ahensiya ng ating pamahalaan lalo na sa pangangasiwa ng serbisyo sa mga mahihirap.

Andiyan ang kanyang tapik, malamyos pero may tama. Yan ang lider, ika nila. No comment kami.
Ano???? Hindi tumatanggap ng segundamanong gamit ang DSWD? Whaaattt? Anyari? Mga bago
lang daw. Husme! Marami tayong mga kababayang nangangailangan at marami rin ang gustong tumulong. Pero ang pwede lang tanggapin ay yong mga BAGO. Sus, ginoong walang bahag! Eh, yong mga UKAY diyan na galing kung saan at sinuot ng kung sinusino, pinapayagang ibenta nang
lantaran.

May mga nangasabit pa ngang bra, panty, brief. Binibili pa. Alam nating gamit na ang mga yan, bakit hindi nakikita ng DSWD? At yong mga gamit ng mga gustong maging donor at gustong
tumulong ay inaayawan dahil di pasado sa kwalipikasyon? Something wrong yata sa inyong timbangan, mga pards. Pakibusisi nga ire dahil sa next isyu, baka meron ulit si daplis. Bato-bato sa langit. Maligayang Bagong 2023. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon