Bagong taon na….ano kaya ang aasahan natin? Bago rin kaya o nakatali pa rin tayo sa mga niluma na ng panahon? Ano kaya ang idudulot nito sa ating buhay? May pag-asa? Pagsisikap? Maghahangad? O aasa na lang sa iba? Bagong taon, bagong buhay, ang sabi. Araw- araw ay bagong buhay. Nasa sa atin kung paano natin paiikutin ang bawa’t araw na malalagas sa ating buhay. Nasa atin kung paano natin mahalin ang ating hiram na buhay. Ano ang epekto sa buhay ng Pilipino ang pinakahuling tuklas… ang Chinese Underwater Navigation System sa WPS (West Phil. Sea)?
Isang instrumento sa pagmomonitor at paniniktik na maaring matagal nang nakatanim sa ating karagatan upang makapaniktik ang China. Isa pa rin eto sa mga paraan ng China ng pambubully, pananakop at panghihimasok. Kaya siguro, sa kabila ng ating oposisyon at pagtuligsa sa mga pambubully ng China, ay binabalewala lang nila eto
sapagka’t nalalaman na ng China ang bawa’t galaw ng Pilipinas. Na para bagang ginigisa na lamang tayo sa sarili nating mantika. Buti na lamang at nalambat ito ng mga mangingisda natin.
Magkakaroon din siguro ng depensa ang Pilipinas. Ano ang epekto sa buhay ng Pilipino ang pinakahuling plano na pagbili ng makabagong armas? Isa eto sa mga naiisip na pagpapalakas ng ating Sandatahan at depensa upang
ipaglaban ang ating karapatan sa mga inaangkin o sinasakup na parte o pag-aari ng Pilipinas. Bagay na mariing
tinututulan ng China. Tama lang siguro na ipakita natin na kaya rin nating bumili ng mga armas-de-giyera na puwedeng magamit kung sakali. Hindi pa huli ang lahat.
Tulungan natin ng administrasyong Marcos sa kanyang pagsisikap na magkaroon ng mapayapang solusyon sa problema sa WPS. NAsa ating pagkakaisa ng kaisipan at gawa para di naman tayo nililiit ng higanteng China. Ang
kasabihan: nakakapuwing ang malilit na bagay. Nawang ang puwing na eto ang magbigay linaw sa mata ng nagnanais manakop sa Pilipinas. Para nga po tayong makabagong David at Goliath. Ano ang epekto sa buhay ng Pilipino ang di matapos tapos na mga iringan at patutsadahan sa pulitika.
Kung may mga ambisyon ng ilan nating kababayan sa mga posisyong gusto nila…ibigay natin. Walang siraan. Walang gapangan. Ang election ay parang sugal. May nanalo. May natatalo. Katotohanang ayaw tanggapin ng mga talunan. Sa pang-araw-araw ng buhay ng Pilipino, laging nasasambit ang pulitika. Ano ng ba ang pulitika? Kasiraan ba eto? O walang-silbi? Isipin po natin na ang pulitika ay paraan upang makontrol at magkaroon ng direksyon ang pamamalakad ng pamahalaan, mapabuti ang kabuhayan, maresolba ang mga hidwaan o magbigay-linaw sa mga usapin. Simple at normal lang sana ang pulitika.
Nababahiran lang po kasi sa napaghahalatang kilos ng mga ilan upang maghari-harian. Maraming naiinis at
nagtataka sa napakatahimik na Pangulong Marcos sa likud ng mga pangungutya sa kanyang katauhan. Ano ba ang nasa likud ng pananahimik na ito? May mabigat bang dahilan? Totoo na ang tahimik na tubig ay malalim at ang rumaragasa at maingay na daloy ay mababaw lang. Pero kapag huli na ang sagwan…baka malulunod ka naman. Bagong taon na. Sana mabago na ang mga lumang tradisyon para may pakinabang. Manigong bagong taon sa lahat. Batobato sa langit. Adios mi amor, ciao mabalos.
January 4, 2025
January 4, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025