BAGUIO CITY
Mahigit tatlong taon pagkatapos kanselahin dahil sa COVID-19, inanunsyo ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang muling pagsasagawa ng Palarong Pambansa sa darating na Hulyo 29 hanggang Agosto 5, 2023 sa lungsod ng Marikina. Ipinatupad ng DepEd ang Memorandum No. 5-2023 o’ ang Conduct of the 2023 Palarong Pambansa na nagsasabing maaaring ganapin ang Division Meet sa Pebrero 6 hanggang 10.
Ayon sa Chief ng School Governance & Operation Division Niño Tibangay, nakaacademic break ang mga estudyante sa mga naitalang araw kaya isasagawa nila ang Division Meet o Palarong Panlungsod sa Baguio ng Sabado at Linggo na magsisimula sa Pebrero 11 at magtatagal hanggang sa unang weekend ng Marso. Ayon kay Tibangay, “Kung inaasahan ng mga tao ang dating estilo ng Palarong Panlungsod na may parade, opening, closing, at awarding, hindi na ganun ngayon dahil sa
DepEd Order na dapat walang disruption of regular classes, kaya pati kami, ang coaches, at tournament managers ay naninibago at nag aadjust din.”
Aniya, ang paghahanda para sa medical examinations, mga gamot, venue, at equipment na gagamitin ng mga manlalaro para sa kaganapan na ito na siya rin namang inilalakad ng tournament managers ng iba’t ibang sports. “Ang mahalaga ay maisagawa namin ang Palarong
Panlungsod para makapili ng athletes para sa CARAA na isa rin na paghahandaan bago ang Pre-National Qualifying Meet,” dagdag nito kaugnay sa bagong tier na inilabas ng DepEd ukol sa paghati ng delegasyon sa apat na grupo base sa geographical location.
Bukod sa paghihiwalay ng delegasyon sa apat na grupo kung saan kabilang sa Cluster 1 ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Cordillera Administrative Region (CAR); sa Cluster 2 ang
CALABARZON, MIMAROPA, NCR, at Bicol Region; sa Cluster 3 ang Western, Central, at Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula Region; at sa Cluster 4 ang Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, CARAGA, at BARMM, mapapadali rin nito ang takbo ng patimpalak, at makakabawas sa gastusin nang walang sinasakripisyong laro.
Kaugnay nito, ang team sports tulad ng baseball, basketball, football, futsal, sepak takraw, at volleyball lang ang tanging itatampok dito. Sa pagtupad ng bagong format ng kompetisyon, layunin
nitong sundin ang DepEd Order No. 34-2022 na nagsasabing maisagawa ang kompetisyon nang hindi nakakasagabal sa pag-aaral ng mga estudyante at maipatupad ng maayos ang minimum public health and safety protocols.
Blanca Masadao/UB Intern/ABN
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023