BAGUIO CITY
Tiniyak ni Mayor Benjamin Magalong ang kanilang kahandaan sa inaabangang Panagbenga o Baguio Flower Festival na ipagdiriwang sa lungsod sa darating na Pebrero. Sa Laging Handa Public
Briefing nitong Lunes (Enero 16, 2023), inihayag ng alkalde na ‘full blast’ ang magiging selebrasyon ng festival ngayong taon. “Kung ano ang lahat ng ginagawa namin noong prepandemic, lahat ng features noon kasali na rito pero nadagdagan pa ng ibang mga features,” ani Magalong.
Bukod dito ay makikibahagi rin aniya ang mga local artists and artisans, at magkakaroon din ng konsierto sina Noel Cabangon at mga local singers. Sa ngayon ay nakikipagugnayan na sila sa Philippine National Police at sa Health and Services Office upang masiguro na ligtas at maayos
ang pagdiriwang sa Panagbenga. Una nang inihayag ng Cordillera PNP na magdedeploy sila ng mahigit 1,500 na pulis sa darating na festival.
Ayon kay Magalong, inaasahan nila na mas marami ang aakyat na bisita ngayong taon kung ikukumpara sa pagdiriwang ng Panagbenga bago pa man ang panahon ng pandemya. “We’re expecting na dadagsa ang mga tao, siguro dahil sabik sila, sabik din silangumakyat, sabik silang maexperience ‘yung aming weather at the same time, ma-experience ‘yung mga bagong tanawin dito sa siyudad ng Baguio,” si Magalong.
Aminado ang mayor na pinakamalaking suliranin ay ang trapiko ngunit pagtitiyak nito, ipatutupad nila ang ilang traffic schemes upang masiguro na maayos ang daloy ng trapiko at walang ‘gridlock’.
Umaasa naman ito na maipatutupad na rin ang Smart Mobility Transportation System sa lungsod.
Pinayuhan ni Magalong ang mga aakyat ng lungsod na siguruhing lehitimo ang kanilang mga akomodasyon.
Umapela rin ito ng patuloy na tumalima sa mga health protocols bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19. Sa temang “A Renaissance of Wonder and Beauty”, isasagawa ang Grand Opening Day parade ng Panagbenga 2023 sa Pebrero 1. Gaganapin ang highlights ng festival na Grand Street Dance Parade sa Pebrero 25 at ang Grand Float Parade sa Pebrero 26. Kabilang din sa month-long celebration ang Philppine Military Academy Alumni Homecoming sa Pebrero 16-18, at ang Session
Road in Bloom sa Pebrero 27 hanggang Marso 5.
(DEG-PIA CAR)
January 21, 2023
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024