LUNGSOD NG BAGUIO – Muling pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang publiko na panatilihing mainit ang sarili dahil sa bumabagsak na temperature na umabot sa 13 degrees Celsius, pinakamababa sa ngayon ngayong taon.
Sinabi ni Dr. Donnabel Tubera-Panes, chief ng City Epidemiology and Durveillance Unit sa Health Services Office (HSO) na ang pagpapanatiling mainit ang katawan ay hindi lamang protektahan ang sarili sa karaniwang sipon at posibleng atake sa puso kundi protektahan din sila na mahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). “Double guard tayo ngayong Pasko, keep our bodies warm (Let us double our protection this Christmas, let’s keep our bodies warm),” ani Tubera-Panes.
Sinabi niya na ang COVID ay nananatili sa malamig na kapaligiran at ipinapakita ng mga record na ang influenza-like na mga sakit ay tumataas din sa panahon ng malalamig na buwan ng taon mula Hulyo hanggang Disyembre – ang panahon ng pag-ulan at kapaskuhan na kapuwa bumababa ang temperatura.
Ang mga senyales at sintomas ng influenza ay kapareho ng sa COVID-19. Sinabi niya na ang immune system ng isang tao ay humihina kung ang temperatura ng katawan ay mababa, na
nagiging madaling kapitan ang tao ng COVID-19.
Ayon kay Panes ang isang tao na may sintomas ay may mas malaking tsansa na maikalat ang sakit kung hindi niya susundin ang basic health and safety protocols.
“Self-assessment, about 80 to 85 percent of Covid cases can be avoided if a sick person does not leave his house and (just) stay home to rest and recuperate,” ani ng doktor. Ang isang droplet mula sa ilong o bunganga ay maaaring magdulot ng impkesiyon sa iba kaya ang mga may ubo o sipon ay kailangang manatili sa bahay upang hindi maikalat ang virus.
Dagdag pa ng doktor na ang pagbaba sa temperatura ay nagpapahirap sa katawan at maaaring maging sanhi ng atake sa puso.
Paghadlang sa impeksiyon ng COVID-19 “The virus does not have a brain, we have, and we can decide to avoid it by observing the basic safety protocols,” aniya.
Sinabi niya na ang pagsunod sa tatlong C na isinusulong ng Department of Health (DOH) ay maproprotektahan ang isang tao sa pagkakaroon ng virus at kailangang gawin ng lahat ang bahagi nila upang maiwasan ito.
Pinayuhan niya ang mga residente ditto na aiwasan ang matataong lugar, malapitang pakikihalubilo, at masikip at saradong mga lugar. Tinanong kung ang pinakagrabe ay tapos na para sa lungsod, sinabi ni Tubera-Panes na walng katiyakan hangga’t may mga bakuna nang mabibigay sa mga residente upang maging immune sa sakit.
Sa ngayon ay 92 porsiyento ng kabuuang kaso sa lungsod ay gumaling na, ayon kay Tubera- Panes.
“Fatality is at 1.36 percent which means you have 98.63 percent chance of living if you will follow the safety protocols and by boosting your immune system, which is much higher than the possibility of dying due to the Covid,” pahayag ng doktor.
LA-PNA/PMCJr.-ABN
December 12, 2020
December 12, 2020
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025