Baguio City nakapagtala ng pinakamataas na 249 kaso ng COVID-19 sa isang araw

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Inanunsiyo ng Baguio City Health Services Office (HSO) na hanggang 5:00 p.m. nitong Huwebes, mayroong 249 bagong kumpirmadong mga kaso ng COVID-19 ang Baguio, bagong pinakamataas ng bilang ng mga kaso sa lungsod sa isang araw na linagpasan ang naunang bilang na 227 mga kaso noong Abril 22, 2021.

Ang kabuuang bilang na naitalang impeksiyon sa COVID-19 ay umabot na sa 19,025 na may 1,751 active cases sa kasalukuyan. Ang lungsod a hanggang Setyembre 9, 2021 ay nakapagtala rin ng anim na pagkamatay na may kaugnayan sa COVID-19 na umabot na sa 366 ang kabuuang mga namatay. Ang kabuang bilang ng mga gumaling ay 16,908.

Samantala, inihayag in Dr. Donnabel Tubera-Panes ng HSO City Epidemiology Surveilance Officer (CESO) na hahanapin nila ang posibleng
700 mga kaso pa ng Delta variant sa susunod na mga ataw. Inihayag niya ng ang posibleng bilang ay base sa isinagawang contact tracing sa mga tao na nagkaroon ng contact sa 13 katao na napag-alamang nahawa ng variant.

Kamakailan ay sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang delta variant ay magiging dominant variant dahil sa kasalukuyang pagbulusok ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod. Tinukoy niya ang datos mula sa contact tracing ng lungsod na nagpapakita ng kabuuang 732 mga kaso na naikabit sa 13 delta variant cases. Sinabi niya na dahil ditto ay nagsasagawa ang lungsod na mas proactive measures upang mapigilan ang mas lalong pagdami.

Sinabi ni Panes na isa sa pinakamagandanfg mga pamamaraan ay ang bawat sambahayan ay magkaroon ng isang plano bilang isang pamilya. Sinabi niya na sa ganito, ang takot at hindi kinakailangang panic ay maiiwasan habang ang bawat miyembro ng pamilya ay lubos na nakahanda sa kung ano ang gagawin kung dumating ang pinakamalala.

(AAD/PMCJr.-ABN)