LUNGSOD NG BAGUIO – Nasa malalim na diskusyon ang City Planning and Development Office (CPDO) at Department of Trade and Industry (DTI) upang maintindihan kung bakit nasa ika-19 lamang ang Baguio sa 2020 Cities and Municipalities Competitive Index (CMCI) sa 33 highly-urbanized cities sa buong bansa.
Ipinaliwanag ni CPDO chief Archt. Donna Rillera Tabangin na nakakuha lamang ang Lungsod ng Baguio ng overall score na 38.54 points, ang pinakamababa mula ng sumali ito sa CMI rankings
noong 2017, base sa apat na haligi: Economic dynamism; government efficiency; infrastructure; at resiliency.
Sinabi ni Tabangin na kasalukuyang pinag-aaralan ng kaniyang opisina ang datos na isinumite sa DTI at tingnan kung saan naiiwan ang lungsod o suriin kung ang mababang ranggo nito ay dahil sa mismong datos na isinumite nito.
Nadiskubre din sa ginawang mga diskusyon na ang ibang mga lungsod at munisipalidad ay humihingi rin ng updating sa CMCI scoring system lalo na sa paraan nito sa pamantayan ng overall scores, ani Tabangin.
“Some LGUs are always on top and are already hall of famers and those lagging behind are also the same.
Maybe the CMCI scoring system already needs to be looked into and for it to account for differences in terms of territory size and population served. It would also be very helpful if DTI will provide more detailed guidance.” Pagdiriin ni Tabangin.
Ibinahagi rin ni Tabangin sa pagpupulong ang mga rekomendasyon para sa data scoring mula sa UO School of Urban and Regional Planning. Ito ay ang mga: Education, health, disaster at risk reduction sectors ay hindi dapat ibase sa pinakamataas na bilang ng resources kundi dapat gamitin ang ratio and proportion upang kalkulahin kung nakukuha nila ang minimum standards.
Ang total investment budget sa mga sektor ay hindi dapat ibase sa ponakamataas na halaga kundi sa porsiyento ng alokasyon sa sektor na iyon; ang sektor sa turismo ay hindi dapat ibase sa pinakamataas na bilang sa halip ay kalkulahin ang facility-tourist ratio; ang information technology sector ay hindi dapat ibase sa pinakamataas na bilang ng providers sa halip ay tumutok sa service coverage at/o porsiyento ng sambahayan na may access sa mga serbisyo.
Ang basic equipment/services/facilities ay hindi dapat ibase sa pinakamataas na bilang kundi sa coverage area at/o porsiyento ng mga sambahayan na may access ditto; isang listahan ng unit of measurement at dara format ang kailangan bawat indicator ang kailangang maibigay para sa isang maayos na format.
Ang iba pang isyu na kailangang maresolba ay: anong data source ang maaaring ikonsidera na mas authoritative; mga ebidensiya na hindi ikinonsidera na galling sa mga pinagkakatiwalaang sources; incorrect o inconsistent entries; at inappropriate data na isinumite.
Hinimok ni Mayor Benjamin magalong ang lahata ng concerned offices na makipag-ugnayan sa CPDO at nagbigay ng kmha kinakailangang datos kung hihingin at siguruhin na ito ay kompleto at may katanggap-tanggap na suportang ebidensiya.
Sinabi niya na ang pagkamit ng mataas na ranking sa CMCI ay mahalaga rin dahil ang competitiveness ng isang lokalidad ay may malaking papel sa paghihikayat ng mga desisyon ng local at international investors kung saan nila iinvest ang kanilang pinaghirapang capital.
(AAD/PMCJr.-ABN)
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025