Strawberry nursery ipinasakamay ng DA sa mga magsasaka ng Baguio; apat pa ngayong taon

LUNGSOD NG BAGUIO – Isang bagong-tayong greenhouse na magsisilbing isang nursery para sa strawberry runner production ang ipinasakamay sa isang lokal na grupo ng mga magsasaka ng Department of Agriculture –Cordillera Administrative Regiom (DACAR) noong Marso 24 sa Purok 2, Irirsan barangay sa ilalim ng High-Value Crops Development Program (HVCDP).
Sinabi ni Agriculturist II Marcelina Tabelin ng city veterinary and agriculture office (CVAO) na ang istruktura na may lawak na 245 square meter ay nagkakahalaga ng PhP543,244 upang maitayo at lubos na pinondohan ng DA sa ilalim ng HVCDP nito. Ang proyekto ay handog sa Granjero De Oeste Organizatiom, isang grupo ng small-scale farmers sa Irisan barangay, na napili ng CVAO, ani Tabelin.
Ang criteria na ginamit sa pagpili sa organisasyon ay kasama ang kahandaan ng lupa kung saan ang greenhouse ay itatayo at ang katatagan at maayos na pamamahala ng organisasyon.
Sinabi ni Tabelin na apat pa na greenhouse ang target na itatayo sa ilalim ng programa ng DA huling banda ngayong taon sa Mt. Sto. Tomas Central barangay at ipapasakamay sa dalawang gtupo ng mga magsasaka sa lugar na layong pasiglahin ang industriya ng strawberry ng lungsod.
Inaasahan sa mga organisasyon na paramihin ang strawberry seedlings o runners na maibebenta sa rasonableng mga presyo sa publiko.
Ang mga kita ay pangunahing mabebenpieyuhan ang mga pamilya ng mga magsasaka ng mga miyembro ng grupo, aniya.
Ang uri ng strawberry runners na pararamihin ay ang tinatawag na San Andreas na mas mabilis mahinog at may mas matagal na fruiting season, ayon kay Tabelin.
Dumalo sa nasabing aktibidad ay ilang staff ng City Mayor’s Office, city veterinary and agriculture office head Dr. Brigit Piok, isang kinatawanb ni councilor Philian Weygan Allan, iba pang mga opisyal, barangay officers, DA personnel sa pamumuno ni HVCP coordinator Eleanor Damot, at ilang mamamahayag.
(GBK-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon