BAGUIO CITY
Muling pinalakas ng Department of TourismCordillera ang mga Micro, Small, Medium-scaled entrepreneurs o’ MSMEs sa rehiyon ng Cordillera sa pamamagitan ng paglalatag ng kani-kanilang One Town One Product sa muling
pagdaraos ng Mangan Taku 2024: Food and Wine Flavors of the Cordillera sa Rose Garden, Burnham Park, Baguio
City,noong Abril 24 hanggang 29. Natunghayan at natikman ng publiko sa Mangan Taku ang iba’t ibang pagkaing produkto mula sa Abra, Apayao, Baguio, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province.
Ilan sa mga produkto na makikita sa Mangan Taku ay ang Fruit Wine ng Bauko, Mountain Province; Patupat ng
Sagada; famous Danis Pizza ng Apayao; Masa Podrida ng Abra; Bugnay Wine ng Kalinga at mga indigenous o
katutubong recipe ng bawat lalawigan. Ayon kay DOT Regional Director Jovita Ganongan, layunin ng Mangan Taku ang palakasin pa ang mas malalim ang pag-unawa at pagpapahalaga sa kultura ng Cordillera sa pamamagitan ng
pag-imbita sa mga bisita na tikman ang mga tradisyonal na pagkain. Aniya, sa pamamagitan ng pagsulong ng mga pagkaing Cordillera, hindi lamang nito pinupunan ang ating panlasa, kundi natutuklasan din natin ang mga kuwento at kasaysayan sa likod ng mga tradisyonal na pagkain na ito.
Denielle Baltazar/UB-Intern/ABN
April 26, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024