PERA SA BASURA INILUNSAD SA PAGDIRIWANG NG EARTH DAY

BAGUIO CITY

Sa pagdiriwang ng Earth Day, isinagawa ng EMB o Environmental Management Bureau-Cordillera, kasama ang city government, Universal Robina Corporation (URC), Biomate Corporation, at Geocycle, ang kauna-unahang recyclable collection event na ginanap sa Malcom Square,Baguio City,noong Abril 22. Ang pagkolekta ng basura ay nangyari sa mula alas 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon, na gaya ng karton, plastic bottles, lata, aluminum, bakal, copper, 2×2 bottles, at iba pa.

Sa pakikipagtulungan ng Teodora Sindayen Castro (TSC), isang kompanya ng basura mula sa Dontogan, Benguet ang bumili ng mga recyclable waste mula sa karton na P20 hanggang sa copper na P330. Ilan sa mga barangay na
nagbigay ng kanilang basura ay ang Upper Quezon Hill, mga tindahan sa Burnham Park, Camp 7, at iba pa. Naganap rin ang plastic waste management na hinihikayat ang mga tao na magdonate ng tuyo, malinis, at walang lamang plastic wrappers kapalit ng mga produkto ng URC.

Samantala, mayroon ding tinatawag na plogging o ang pagpupulot ng basura habang nag-jojogging. Umabot ng 100 mga kalahok sa aktibidad na ito at sila ay nahati sa tatlong ruta. Nagsimula sila mula sa Melvin Jones at tinahak ang mga daan patungo sa Burnham Park, Harrison Road, Panagbenga Park, at mayroon pang umabot ng Camp John Hay. Nakapagkolekta sila ng 750 kilos ng residual waste at 633 kilos ng maaaring marecycle na basura.

Ayon kay Environmental Management System Officer Rondy Berdal, maliban sa pagpapanatili ng kalinisan ng
ating lungsod, ang pangunahing layunin ng programang ito ay ang maturuan ang publiko na magsegregate ng kanilang mga basura.

Gwyneth Anne Mina/UB-Intern/ ABN

Amianan Balita Ngayon