OPERASYON NG JEEPNEY SA BAGUIO, PINAPALAWIG

BAGUIO CITY

Pinagaaralan ngayon ng Sangguniang Panlungsod ang isang ordinansang magpapalawig sa operasyon ng mga Public
Utility Jeepney (PUJ) hanggang 10:00 ng gabi, upang maserbisyuhan ang pangangailangan ng mga commuter.
Noong 1995, naging epektibo ang ordinansa na naguutos sa mga PUJ operators at driver ’s association na mamasada hanggang 9:00 ng gabi. Ngunit, hanggang ngayon, maraming commuter ang nakakaranas ng kakulangan sa mga jeep kahit bago pa ang oras na ito.

Ayon kay Councilor Benny Bomogao, mayroong lokal na legislative monitoring system na naglalayong kumuha ng
feedback mula sa mga mamamayan at bantayan ang pagpapatupad ng mga ordinansa. Subalit, ayon kay Bernard
Paoayan, isang jeepney drayber, hindi raw talaga masusunod ng iba ang hangang 9:00 ng gabi na pasada dahil kung minsan ay 7:00 palang wala ng gaanong pasahero sa kanilang lugar.

Ang mga drayber ay nagpahayag din na isa sa mga hadlang ay ang trapik, kung saan akala ng mga pasahero ay wala ng mga jeepney, ngunit ang mga ito ay na-stuck lamang sa trapiko. Upang tiyakin ang pagsunod sa ordinansa
sakaling maaprubahan, ang traffic management division, Baguio City Police Office (BCPO), at Public Order and
Safety Division (POSD) ay aatasan na mag-monitor ng pagtalima ng mga PUJ.

Tsidkenu Denise F. Ignacio/UBIntern/ABN

Amianan Balita Ngayon