TUPAD WORKER GUMAWA NG MURAL

TUBA, Benguet

Hindi lamang sa pagwawalis ang naging community service ng ilang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Di sadva nta ged/Di splaced Workers (TUPAD), kundi ang pagguhit sa mural para pagandahin ang Upper
Poblacion sa Tuba,Benguet. May kabuuang 28 TUPAD worker ang kasalukuyang benepisyaryo sa Barangay ng Tuba na nagtutulong-tulong para sa kanilang proyekto at para rin sa kanilang sertipikasyon bilang miyembro ng TUPAD.

Ang ilang worker na angking talento sa pagpipinta ay gumawa ng mural sa malawak na rip-rap na sinimulan noong Abril 8 at kasalukuyang tinatapos ang ibang parte ng pader. Ang kanilang pintura ay inspired ng Cordilleran culture
na nakapinta ang mukha at imahe ng mga Cordilleran people at mga disenyo na naglalayong ipakita ang kultura. Ayon kay Danilo Mendoza, isa sa miyembro ng TUPAD, nagpinta sila ng mga larawan ng pananim upang magbigay-diin at paalala na hindi lamang sana sa mga larawan makikita ang mga pananim na ito kundi dapat ding pahalagahan ang pagtatanim ng mga puno at halaman sa kanilang komunidad sa kabila ng mga konstruksyon ng gusali.

Ang mga materyales sa pagpipinta na ginamit nila ay ibinigay ng Barangay at sila ay binabayaran ng P430 kada araw bilang sweldo at insentibo. Balak pa nilang pinturahan ang ibang parte ng lugar, partikular ang pader sa harap ng kanilang gymnasium. Ayon kay Crisanto Saingan, sekretarya ng Barangay Hall, ang ganitong klase ng proyekto ay makakatulong sa patuloy na pagpapaganda ng kanilang lugar at pagpapakita ng kakayahan ng mga lokal na residente ng Tuba.

Gwyneth Anne Mina/UB-Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon