Baguio, hindi handa sa PUV modernization

Feb 17, 2018

Maigting ang inihayag na pagtutol ng mga jeepney at taxi operators na dumalo sa konsultasyon na isinagawa ng mga kinatawan ng Department of Transportation (DOTr) noong Pebrero 14 para sa ikinasang public utility vehicle modernization ng ahensya.
Ayon kay Vice Mayor Edison Bilog, taliwas sa sinasabi ng DOTr, hindi pa handa ang lungsod sa mga pagbabagong kaakibat ng jeepney modernization.
Giit ng mga dumalo sa naturang konsultasyon, ang modernisasyon na alinsunod sa DOTr Department Order No. 2017-11 o ang Omnibus Franchising Guidelines (OFG) ay magpapahirap hindi lamang sa mga tsuper at operator ng mga pampasaherong sasakyan kundi maging sa mga pasahero.
Kabilang sa mga nabanggit na dahilan ng kanilang pagtutol ay ang arawang P800 hanggang P900 na bayad sa ipapautang na bago at modernong pampasaherong jeepney na tinatayang babayaran hanggang pitong taon.
Anila, hindi ito kakayanin ng mga maliliit na operator dahil tinatayang umaabot lamang sa P500 ang kita ng isang jeepney driver kada araw.
Dagdag ni Patricio Evanghelista, executive vice president ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of Baguio-Benguet-La Union-Pangasinan Chapter, hindi kakayanin ng mga maliliit na operator ang mga probisyon ng OFG dahil kabilang sa mga nakapaloob dito ay ang pagkakaroon ng 10 unit kada prangkisa bawat operator.
Aniya, kailangang ang makina ay Euro 4 na nagkakahalaga ng P1.6 milyon at dapat ding mayroong P2 milyon ang operator kada buwan para sa maintenance ng sasakyan.
Kabilang din sa karagdagang kwalipikasyon ay ang pagkakaroon ng AFC (Automatic Fare Collection), GPS, Wi-Fi at CCTV camera.
“It’s not true that it raises the income of operators, it’s the opposite,” ani Bilog sa isang panayam.
Ipinahayag nina Evanghelista at Bilog ang mga problemang maaaring idulot ng OFG sa lungsod tulad ng paglala ng trapiko, malaking abala sa publiko at maaari din itong maging ugat ng aksidente sa kalsada.
Matapos ang dapartment order sa Omnibus Franchising Guidelines ni DOTr Secretary Arthur Tugade noong Hunyo 19, 2017 na umani ng pagtutol sa buong bansa ay kinatigan ng konseho ng Baguio ang mga lokal na tsuper at operators ng mga pampasaherong sasakyan sa lungsod sa pamamagitan ng pagpasa ng Resolution No. 329 noong Setyembre 11, 2017.
Isinaad sa resolusyon na ang OFG ay nagnanais na magkaroon ng ligtas, komportable, at nakakabuti sa kalikasan na pampublikong transportasyon ngunit layunin din nito ang mag-phase out ng mga luma at nasisirang jeepney na dapat palitan ng modernong unit ng jeeney gaya ng electronic, hybrid, LPG-powered jeepney o mga jeepney na ang makina ay Euro-4 compliant at nagkakahalaga ng tinatayang P1milyon bawat unit.
Ito ay paniguradong magbabaon sa mga jeeepney operator sa utang, giit ng resolusyon.
Isinaad din sa resolusyon na sa isinagawang pilot testing ng ipapalit na e-jeepney ay napatunayan na hindi nito kaya ang terrain ng Baguio at ang paggamit nito ay magdudulot lamang ng magulong sistema at magkakait ng abot-kayang transportasyon sa publiko.
Kinatigan ng konseho ang Baguio-Benguet Jeepney Coalition Association sa pagkontra sa jeepney phase out sa kondisyong dapat nasa maayos at angkop sa pangangailangan ng publiko ang mga sasakyan. LALAINE T. PAYAY, UB Intern / ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest