LTO Baguio, nahinto ang operasyon dahil sa bomb threat

Feb 17, 2018

Inihinto ang operasyon ng Land Transportation Office (LTO)-Baguio dahil sa isang anonymous text message na sinasabing diumano ay mayroong bomba sa kanilang tanggapan.
Ayon sa ulat ng Baguio City Police Office Station 3, ang information officer ng LTO na kinilalang si Roselle Cruz ay nakatanggap ng text message na nagsasabing mayroong bomba sa labas ng naturang tanggapan at ito raw ay sasabog sa ganap na ika-2 ng hapon ng Pebrero 13.
Dagdag pa ni Cruz, ang mensahe ay nagtapos sa “Al’lah Albar!”
Agad na inabisuhan ni Cruz ang nakakataas na opisyal ng LTO na nag-ulat sa BCPO Station 3.
Kaagad namang umaksyon ang Explosives and Ordinance Division at K9 units sa tanggapan upang magsagawa ng imbestigasyon at siguraduhin ang seguridad ng tanggapan.
Matapos ang masusing imbestigasyon, walang nakitang kahit anong explosive device sa paligid at sa loob ng tanggapan.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya ukol sa pagkakakilanlan ng nagpadala ng mensahe sa tanggapan ng LTO.
Hindi ito ang unang bomb threat na natanggap sa siyudad ng Baguio.
Matatandaang Pebrero noong nakaraang taon, libo-libong mga mamimili sa isang malaking mall sa siyudad ang nabalutan ng takot nang dahil din sa isang bomb threat.
Dahil dito, pati ang mga residente sa kalapit na mga bayan ay nabahala at mas naging maingat sa iba pang pampublikong lugar.
Noong 2014, nagmartsa papalabas ng University of the Philippines-Baguio ang mga mag-aaral matapos makatanggap ng bomb threat ang isang opisyal ng paaralan.
Sa parehong taon, nakatanggap din ng bomb threat ang Saint Louis University.
Laking pasasalamat ng mga residente ng Baguio na kahit halos taon-taong nakakatanggap ng bomb threat ang siyudad ay alerto pa rin ang mga kapulisan sa pag-responde sa mga ganitong pangyayari. RC BJON C. CATACUTAN, UB Intern

RELATED POSTS

PSBRC

PSBRC

Life is Beautiful para sa mga kabataan na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bahay Pag- Asa Youth Center, matapos silang surpresahin ng mga...

TULONG MEDICAL

TULONG MEDICAL

Sa pagtutulungan ng Kapulisan ng Kalinga, Local Government Unit at ilang private sectors ng Kalinga, 500 residente ng Sitio Latawan,...

AMIANAN POLICE PATROL

Kalinga shooting leaves one dead, one critical A dental technician was killed while another is in critical condition after they were fired...

AMIANAN POLICE PATROL

BCPO ginawaran ng Gold Eagle Award dahil sa mahusay na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030. Isang makasaysayang parangal ang iginawad sa...

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

Sa lalawigan ng Apayao, isang outreach program ang pinangunahan ng mga kapulisan na miyembro ng PSBRC Class 2015- 02 “PANABAK-MATAGILA” na...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest