Estudyante, nahagip ng pampasaherong jeep

Isang grade 7 na estudyante and dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center matapos na mahagip ng isang pampasaherong jeep sa Jose Abad Santos Road corner Lake Drive, bandang 12:50 pm ng Pebrero 13, 2018.
Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Marc Adriel Gapasin Gatchalian, 12 anyos.
Sa imbestigasyon ng mga pulis ay tumatawid si Gatchalian sa pedestrian lane nang biglang mahagip ito ng isang pampasaherong jeep na may plakang AYL-221 na minamaneho ni Jun Dinaonling Ponchinlan, 43, at residente ng Purok 3 Kias, Baguio City.
Ayon pa sa isang saksi na si John Michael Jajonos Bautista, 12 anyos at kaklase ng biktima ay nasa likuran siya ni Gatchalian at sinubukan pa niya itong itulak para hindi mahagip pero huli na.
Dinala ni Ponchanlan ang biktima sa Baguio General Hospital Medical Center na nagtamo ng mga sugat upang malapatan ng kaukulang medikal na atensiyon. MA. KRYSTAL I. DIOQUINO, UB Intern

Amianan Balita Ngayon