BAGUIO, PROCOR, NAGPADALA NG P9 MILYON TULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG ODETTE

BAGUIO CITY – Sa bisperas ng Pasko ay inaprubahan ay agad ng city councils sa kanilang special session ang halagang P5 milyong financial assistance para sa may 44 local government sa Southern Regions na napinsala ng bagyong Odette, samantalang nagkaltas naman sa kanilang suweldo ang mga tauhan ng Police Regional Office-Cordillera at nakalikom ng P4 milyon na ipapadala din sa apektado ng bagyo.
Ayon kay Acting Mayor Fustino Olowan sa bisa ng aprubadong ordinansa ay nagalokasyon ang city goverbment ng nasabing halaga sa ilalim ng City Disaster Risk Reduction and Management Office’s Quick Response Fund 2021 annual budget.
Ayon sa Local Finance Committee ang nasabing halaga ay naisyuhan na ng certificate of availability para sa financial aid. Ang nasabing halaga ay ibinase sa bilang ng apektadong pamilya at nasirang bahay.
Ang mga LGUs na tatanggap ng P100,000 each ay ang Libertad, Antique; Tibiao, Antique; President Roxas, Capiz; Dao, Capiz; Banate, Iloilo; Lemery, Iloilo; Balasan, Iloilo; Valladolid, Negros Occidental; Sagay, Camiguin; Anda, Bohol; Maribojoc, Bohol; Candijay, Bohol; San Julian, Eastern Samar; Maslog, Eastern Samar; Lawaan, Eastern Samar; Maydolong, Eastern Samar; Mercedes, Eastern Samar; General MacArthur, Eastern Samar; Balangiga, Eastern Samar; Sulat, Eastern Samar; Tagapul-an, Samar; Liloan, Southern Leyte; Anahawan, Southern Leyte; Hinundayan, Southern Leyte; Saint Bernard, Southern Leyte; Santiago, Agusan del Norte; Magallanes, Agusan del Norte; Gigaquit, Surigao del Norte; Placer, Surigao del Norte; Socorro, Surigao del Norte; Taganaan, Surigao del Norte; Alegria, Surigao del Norte; Mainit, Surigao del Norte; San Isidro, Surigao del Norte; Surigao City (Siargao), Surigao del Norte; San Agustin, Surigao del Norte; Carmen, Surigao del Norte; and Carrascal, Surigao del Norte.
Samantalang tig- P200,000 naman sa Buruanga, Aklan; Sigma, Capiz; Silago, Southern Leyte; Kitcharao, Agusan del Norte; Bacuag, Surigao del Norte; and Malimono, Surigao del Norte. Sinabi naman ni PROCOR Regional Director BGen.Ronald Oliver, ang mga police personnel ay boluntaryong nagkaltas ng halagang P500 sa kani-kanilang suweldo, samantalang P100 naman sa Non-uniformed Personnel (NUP).
Ayon kay Lee, dahil sa pool funds ay nakalikom sila ng mahigit sa P4 milyon at ito ay opisyal na ibibigay bilang financial aid sa mga biktima ng bagyo sa Cebu at Bohol. Noong nakaraang Disyembre 21, una ng nagpadala ng relief goods ang PROCOR na umaabot sa halagang P539,828.00 para sa Cebu at Bohol.Ang relief operations na tinawag na Oplan Binnadang ay patuloy na isinasagawa ngayon para sa muling pagpapadala ng relief goods.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon