Nalutas ng Baguio City Prosecutor’s Office ang karamihan ng mga kasong nakapila mula Enero hanggang Mayo ngayong taon, sa ulat ng Department of Justice (DOJ) sa Baguio.
Sa panayam kay Baguio City Chief Prosecutor Elmer Manuel Sagsago, sinabi nito na sa 620 sa kabuuang 929 na mga kasong nakapila sa unang limang buwan ng 2018 ay nalutas, 276 ang nadismis o inirefer sa ibang opisina, at naiwan na lamang ang 33 pending cases hanggang katapusan ng Mayo.
Base sa ulat ng prosecutor sa flag-raising ceremony noong Hunyo 4, sa kabuuang mga kaso, dalawa ang mula pa noong Disyembre 31, 2017 at naidagdag sa 927 na naipila mula Enero hanggang Mayo ng 2018.
Lahat ng inquest proceedings, o mga kasong agad ikinulong ang suspek napatunayan man o hindi na nagkasala, ay 100 porsiyento na natapos na, ani Sagsago. Ang kabuuang 215 na mga kaso ay naipila sa City Prosecutor’s Office mula Enero hanggang Mayo, aniya.
Sa kabuuang 929 mga kaso, 276 ang na-dismis o kaya’y inirefer sa ibang opisina, habang ang 33 ay pending mula katapusan ng Mayo.
Idinagdag pa ni Sagsago na ang bulto ng mga kasong naipila sa city prosecutor’s office ay estafa, kasunod ng physical injuries.
Idiniin ni Sagsago ang pagbaba ng bilang ng mga kasong illegal drugs simula nang magsimula ang Duterte administration.
“The volume of drug cases has lessened. Hindi na kagaya noon. Now, we only receive three or less in a month,” aniya.
Halos 99.9 percent ng drug cases ang ipinila sa korte. “My policy, when it comes to drugs, is we dismiss it if there is clear evidence that it is dismissible. Otherwise, we always file the case,” dagdag niya.
Inihayag din ni Sagsago ang pagtaas ng estafa cases sa lungsod, na nagdagdag sa dami ng mga kasong naipila sa kaniyang opisina, dahil na rin siguro sa mababang halaga ng piyansang nakapataw sa nasabing kaso.
Binanggit niya ang isang kaso, kung saan ang halagang kasangkot ay umabot sa milyong piso, subalit ang bail bond ay P100,000 lamang.
Siniguro ng chief prosecutor ang patuloy na mabilis na paglutas sa mga kasong nakapila sa justice department ng lungsod, kahit pa itaas ang mga kaso sa korte, i-dismis, o i-refer sa masusing imbestigasyon. L.AGOOT, PNA / ABN
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025