P250-M kailangan sa pag-upgrade ng sewage treatment plant

Kinakailangan ng lokal na pamahalaan ang halos P250 milyon para sa tuluyang rehaabilitasyon at pag-upgrade ng mahigit 30-taong lumang Baguio Sewage Treatment Plant sa South Sanitary Camp upang makasabay sa mabilis na pagtaas ng waste water na nakakonekta sa pasilidad.
Ayon kay City Environment and Parks Management Officer Cordelia C. Lacsamana, ang kabuuang rehabilitasyon ng planta ay ang long-term na proyekto ng lokal na pamahalaan na sakop ng public-private partnership (PPP) alinsunod sa PPP ordinance ng lungsod.
Maliban sa paglalagay ng dewatering machine sa loob ng planta, inihayag niya na ang lungsod ay magpapatupad ng P25-milyong halaga ng septage project sa lugar upang payagan ang panngkalahatang pagtanggap ng sewerage connection upang mabawasan ang pollutants na pumapasok sa Balili River, lalo na at ang Baguio ay nasa gilid ng river system. Inaasahan na ang proyekto ay matatapos sa Disyembre.
Isiniwalat ni Lacsamana na ang multi-million na rehabilitation cost para sa treatment plant ng waste water ay itataas ang kapasidad na may rate ng 20 cubic meters per operating time, dagdag na kapasidad sa kasalukuyang overloaded sewerage treatment plant.
Base sa datos na nakuha mula sa CEPMO, ang inflow ng waste water sa planta ay 12,000 cubic meters kada araw salungat sa nadisenyong kapasidad na 8,600 cubic meters kada araw ng waste water lamang mula sa iba’t ibang koneksiyon sa lungsod.
Bahagi ng long-term projects ng lungsod, hayag ni Lacsamana, ay ang pagpapatayo ng apat na satellite septage treatment plants sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, lalo na sa kahabaan ng mga ilog ng Balili, Bued, Galiano at Ambalanga, upang tulungang malinis ang tumataas na volume ng sewerage waste water mula sa tumataas na bilang ng sambahayan sa lungsod.
Diin ni Lacsamana, na isa sa upcoming projects ng lokal na pamahalaan, sa pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ay ang pagpapatayo ng P140 million sewerage treatment plant sa loob ng City Camp area upang linisin ang waste water mula sa 16 palibot na barangays sa lugar.
Subalit, inamin niya na mayroong tatlong structures sa lugar na direktang apektado ng proyekto at ang mga kinauukulang government agency at lokal na pamahaalaan ay ginagawa ang kinakailangang interbensiyon upang matupad ang environmentally friendly project habang tumutugon sa isyu ng mga istrakturang apektado ng proyekto.
“We are just waiting for the funding for the project from the DPWH. We hope that the funds will be included in the agency’s budget next year so that the put up and operation of the plant will help address our problem in the wayward disposal of sewerage waste water not only from the households, but also from the commercial establishments around the city,” ani Lacsamana.
Inihayag din ni Lacsamana na sa oras na ang short, medium at long-term interventions ay maisasaayos sa lugar ay inaasahang maliit na lamang ang mga problema sa pagtatapon ng sewerage waste water ng lungsod dahil lahat ng kinakailangang pasilidad at ang state-of-the-art units na kagamitan ay nailagay sa lugar kahit na mayroong mataas na populasyon ng mga residente sa darating na taon. BAGUIO PIO / ABN

Amianan Balita Ngayon