BAGUIO CITY
Ang Baguio Softball Team ay kasalukuyang abala sa kanilang paghahanda para sa 2025 Cordillera Administrative
Region Athletic Association (CARAA). Sa isang panayam kay Coach Saxton Anayasan, sinabi niyang ang kanilang
kasalukuyang antas ng paghahanda ay nasa 80 porsyento. “Ang problema namin ay ang venue, malaking bagay na
wala kaming sapat na lugar para sa training,” aniya. Sa kabila ng mga hamon, nagagawa nilang mag-ensayo tuwing Sabado at Linggo sa Wangal Sports Complex at Benguet State University.
Sa kabila ng mga pagsubok, umaasa si Coach Anayasan na makakayanan nilang ipagtanggol ang kanilang titulo at
makamit ang three-peat. “Hopefully, kakayanin basta makuha lang nila momentum sa laro,” dagdag niya.
Gayunpaman, isa pang hamon ang kakulangan ng mga torneo na kanilang nasasalihan bilang paghahanda. “Walang
tayong napuntahan na any tournament ngayon,” sabi niya, dahil sa distansya ng mga kaganapan tulad ng Philippine
Series sa Samal. Ang kanilang training schedule ay mula 3:00 PM hanggang 6:00 PM mula Lunes hanggang Biyernes, habang tuwing weekend ay nag-eehersisyo sila mula 6:30 AM hanggang 6:00 PM.
Ayon kay Khaizer Misch Diamsay, ang team captain, “Dapat may time management at sakripisyo sa training para mas mag-improve kami.” Ayon din kay Coach Anayasan na ang team to beat ay ang Tabuk, habang binanggit din ang pag-level up ng Mountain Province at Kalinga. Nakikipaglaro sila sa mga alumni mula sa Baguio City National High School. Ang mga ito ay nagbibigay ng mahalagang karanasan at pagkakataon para mahasa ang kanilang mga kakayahan bago ang CARAA.
Suporta mula sa paaralan at mga magulang ay kanila din nararanasan. Ang ilan sa mga magulang ay nag-sponsor pa nga ng kanilang uniporme. Ayon kay Khaizer, “Yung ibang parents po nag-susupport ng financial, yung iba naman po eh yung efforts nila para manood at support kami.” Ang ambisyon ng team ay makuha ang championship ngayong CARAA at ipakilala ang Pilipinas sa larangan ng softball. Sa kanilang dedikasyon at suporta mula sa komunidad, handa na ang Baguio Softball Team na ipakita ang kanilang galing at makamit ang tagumpay sa darating na kompetisyon.
Glenn Marc Dulay/ UB-Intern
February 22, 2025
February 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025