BAGUIO CITY
Sa ikatlong pagkakataon ay muling nagwagi ang siyudad ng Baguio sa ASEAN Tourism Standard Award bilang Clean Tourist City. Magaganap ang award sa Lao PDR sa Enero 26, 2024. Ang award na ito ay may malawak na pamantayan na sumasaklaw sa Pamamahala sa Kapaligiran (Environmental Management), Kaliisan (Cleanliness), Pamamahala ng Basura (Waste Management), Pagbuo ng Kamalayan Tungkol sa Proteksyon at Kalinisan ng Kapaligiran (Awareness Building About Environmental Protection and Cleanliness),
Mga Luntiang Espasyo (Green Spaces), Kaligtasan sa Kalusugan at Kaligtasan at Seguridad sa Lungsod (Health Safety and Urban Safety and Security) at Imprastraktura at Pasilidad ng Turismo (Tourism Infrastructure and Facilities). Ang city government ay labis na nagpapasalamat sa mga
datos at mga dokumento mula sa mga tanggapan na sumuporta, tumulong at nagpapanatili ng mga programa at aktibidad na nagsisiguro ang pagpasa sa mga marka sa iba’t ibang pamantayan.
Bilang 3-time awardee, ang Baguio City ay itataas bilang hall of famer sa susunod na taon.
Zaldy Comanda/ABN
December 23, 2023
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025