BAGUIO’S TOP 3 WANTED PERSON, NADAKMA NG BCPO

BAGUIO CITY

Isang 53- anyos na lalaki na wanted sa panggagahasa sa isang menor de edad, ang nadakip sa manhunt operation ng Baguio City Police Office sa Barangay Irisan, Baguio City, noong Mayo 29. Ayon sa BCPO, ang suspek ay nakalista bilang No.3 Top Most Wanted Person in the City Level at No.2 sa Station Level. Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge, First Judicial Region ng Branch 2- Family Court, Baguio City sa kasong 2-counts of Statutory Rape.

Napag-alaman na ang biktimang menor de edad ay ang apo ng live-in partner ng suspek. Habang tinatahak ng BCPO ang walang pag-aalala, patuloy nitong paninindigan ang primordial na obligasyon ng publiko na protektahan ang karapatang pantao, lalo na para sa mga bata.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon