Sa pagsisimula ng klase ngayong June 5, 2017 ay nakahanda na ang mga guro at mga estudyante sa pagpasok sa lahat ng eskwelahang pampubliko.
Kasabay nito ay nakahanda na rin ang mga kapulisan para sa pagbabantay 24/7 sa lahat ng pampublikong paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante sa mga masasamang loob.
Maging ang mga miembro ng Baguio Residents Against Crime and Corruption (BaRACC) ay magbo-boluntaryo para sa pagbabantay at tumulong sa pagta-trapik lalo na sa ilang bahagi na inaasahang makakaranas ng mabigat na trapik.
Ang mga itinakdang pagbisita ni PROCOR regional director PCSupt Elmo Francis Oco Sarona at ng kanyang directorial staff sa mga eskwelahan ng Baguio City Central School, Baguio City National High School at maging sa mga paaralan ng La Trinidad ay lilibutin nila.
Kasama rin si BCPO City director PSSupt. Ramil Saculles na mangunguna sa pagmo-monitor sa trapik at mga barangay na kung saan ay isa sa mga puntirya ng mga masasamang loob ay ang akyat-bahay sa mga barangay.
Nanawagan ang kapulisan sa mga residente ng barangay na ugaliing i-double check ang mga bintana at pintuan na nakasara at ikandadong mabuti at paalaala rin sa mga magulang na kung maaari ay huwag pahahawakan ng mga mamahaling gadget at cellular phone ang mga bata o anumang gamit na mainit sa mga mata ng mapagsamantala.
Pinaalalahanan din na magdala ng payong, kapote at kasuutang panlamig dahil inaasahan na ang panahon ng tag-ulan. ABN
June 4, 2017
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025