Banggaan, sunod- sunod sa Baguio

May 25, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Iniulat ng Traffic Enforcement Unit ng Baguio City Police Office Station 7ang sunod-sunod na banggaan ng ilang sasakyan sa noong May 23, 2017 (Martes).
Nasagi ang isang Toyota Corolla Altis Sedan ng isang Isuzu cargo truck sa kahabaan ng Yandoc Street sa tapat ng Imarflex Sales Office and Service Center ng Golden Crest Building dakong 11:10 ng umaga.
Ang sedan na minamaneho ni Efren Julian Gamboa, isang negosyante, ay nagmula sa direksyon ng Yandoc Street papunta sa direksyon ng Legarda Road. Habang iniiwasan ang mga nakapark na sasakyan sa gilid ng kalsada ay nagkasalpulan sila ng cargo truck na minamameho ni Alberto Gayodna Guzman Jr., isang truck driver, na mula rin sa parehong direksyon na bumagtas sa kaliwang banda ng kotse.
Ang kotse ay nagtamo ng sira sa kaliwang puwetan nito habang ang cargo truck naman ay nagtamo ng sira sa kanang harapan nito.
Kotse, binangga at tinakbuhan
Personal na dumulog sa tanggapan ng BCPO Station 7 si Romanco Alquero Baluyot, 33 anyos, upang ireport at maipa-blotter sa pulis ang nangyari sa kanyang sasakyan habang ito ay nakapark sa isang parking building sa Upper Mabini Street, Baguio City.
Aniya, iniwan niya ang kanyang Honda Civic Sedan na may plakang WEW 911 sa parking area. Mga bandang alas-dose y media ng tanghali, ay nabangga ang kanyang kotse sa kaliwang harapan ng pintuan nito. Ang nakabangga umano ay isang Mitsubishi Montero Wagon na may conduction sticker number NB-0165 na minaneho ng hindi pa nakikilalang driver na umalis agad.
Nakunan umano ng CCTV camera na nasa parking area ang nasabing insidente.
Banggaan ng taxi at motorsiklo, isa sugatan
Sugatan ang driver ng isang motorsiklo matapos itong mabangga ng isang taxi, 2:20pm, sa kahabaan ng Upper General Luna Road, Baguio City, sa may Junction ng Notre Dame De Chartres Hospital.
Nangyari ang insidente nang sinubukang sumingit sa kasalungat na linya ng Kawasaki Rouser Motorcycle na minamaneho ni Michael Bas-il Quitlong, 31-anyos, isang electrician, dahil sobrang traffic sa nasabing lugar. Sa pagkakataong ito ay nag-U-turn ang Isuzu Crosswing Wagon taxi, minamaneho ni Rex Dangpas, 44-anyos, matapos itong nagbaba ng pasahero, at para magpick-up muli ng pasaherong kumaway sa kabilang banda ng kalsada.
Nagtamo ng injuries ang driver ng motorsiklo na dinala naman ng mismong driver ng taxi sa Baguio General Hospital and Medical Center para sa medical treatment matapos ang insidente. Parehong nagtamo ng sira ang motorsiklo at taxi. Adrian Trinidad, UC Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest