Maugong ngayon ang mga samu’tt-saring balitaktakan sa lahat ng umpukan at sekta hinggil sa malaking tanong: tuloy ba o hindi ang Barangay at SK elections? Ano ba ang dapat? Kung tuloy, kailan at bakit? Ito muli ang panahon na magkakahati-hati ang kaisipan at pilosopia ng ating mga kababayan.
Marami ang gustong matuloy, marami din
ang ayaw. Muling susulpot ang tanong: BAKIT? Daplis: sa bawat punto, tiyak may pinagbabasehang dahilan o
rason. Yan nga mga pards ang ating kakaliskisan: Ayon sa ating pananaliksik….nong 1959, nasilang ang tinatawag na
Barrio Charter Act na ang laman ay lahat ng mga rehistradong botante ng isang barrio o barangay ay may
karapatang pumili at mapili.
Hindi na lang mga ulo ng pamilya ang dapat bumuto o pumili. At paglipas ng panahon, saksi ang sambayanan kung ano ang ginagampanang tungkulin ng mga barangay lalo na tuwing may kalamidad. Barangay man ang tinaguriang pinakamaliit na sekta ng pamahalaan….ito ang may pinakamahalagang tungkulin
sa pag-usad ng isang bayan at sa kalipunan nila para sa buong bansa. In short….isang katotohanan na mahalaga ang pondasyon ng isang barrio o barangay para sa malusog at aktibong barangay.
Pero sa makabagong panahon…bakit parang namamaliit (hindi sa lahat) ang kahalagahan ng ating mga barangay? Dahil kaya sa mga napiling mamunong manilbihan sa atin o dahil sa pulitika? Ayon sa ating Saligang Batas, dapat magkaroon tayo ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre 5, 2022. Pero may lumabas kamakailan na kontrobersiya mula sa ulat ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na sila’y bumuto na ipagpaliban (ulit) ang naturang eleksiyon sa Disymebre 4, 2023.
Ang komite ay pinamumunuan ni Rep. Maximo Dalog ng Mt. Province at may kasamang 12 pang kongresista at kanilang pinaboran na dapat sa Dec. 4, 2023 na ang eleksiyong Pambarangay at SK. Kung ating maidagdag, sa nakalipas na mga araw lang, may ilang mga mambabatas din ang nagpahayag na dapat i-atras ang naturang halalan upang makatipid ang pamahalaan dahil malaki ang nagastos natin sa nakalipas na May 2022 national elections.
At kung taumbayan ang ating pupulsuhan hinggil dito….hati-hati ang kaisipan. Sa punto ng mga kababayan nating gusto na ang eleksiyong-pambarangay at SK sa takdang panahon Dec. 5, 2022, ang rason nila, dapat mapalitan na ang mga Barangay at SK officials na tamad at wala namang nagawa sa kanilang barangay bagkus, sila (hindi lahat) ay nambutas ng upuan at nagpataba diumano ng bulsa. Kahit daw hindi naman kailangan ang isang proyekto na tinustusan ng gobyerno ay kanilang isinasagawa o isinasama sa kanilang programa KASI (daw) may KOMISYON! Yan ang mga dapat palitan sa pamamagitan ng eleksiyon.
Depensa naman ng kabilang hanay na dapat wala munang eleksiyon ay upang maipagpatuloy daw ng mga kasalukuyang Barangay at SK officials ang kanilang di pa tapos na mga magagandang programa. Sabi nila, kulang
daw ang tatlong taon nilang panunungkulan para matapos lahat ang mga sinimulang programa. Tanong: alin ba ang
tama o mali, mga pards? Sa kabuoan ng mga kurokuro hinggil sa Barangay at SK elections….dapat magkaisa
ang ating mga mambabatas dito.
Dapat ding ibase nila ang kanilang pinal na suhestiyon sa kung ano ang damdamin ng ating mga kababayan. Sana ay hindi dadaloy ang lakas ng empluwensiya-pulitika kundi nakabase sa praktikal at tunay na kalagayan ng ating bansa lalo pa ngayong panahon pa rin ng pandemya. Sana, huwag silang padidikta sa anumang interes kundi interes lang ng ating kababayan. Idalangin natin na magiging tama ang kanilang desisyon. Adios mi amor, ciao, mabalos.
August 20, 2022
August 20, 2022
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 8, 2025