BARANGAY KAGAWAD HULI SA ILLEGAL NA DROGA SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Hindi nakapalag ang isang barangay kagawad nang salakayin siya sa kanyang bahay ng mga tauhan ng Baguio City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera sa pamamagitan ng search warrant
na nagresulta ng pagkakakumpiska ng shabu na may halagang P88,000 sa Barangay Irisan,Baguio City,noong umaga ng umaga,Setyembre 1.

Sa report na natanggap ni BGen.Mafelino Bazar,regional director ng Police Regional Office-Cordiilera, kinilala ang
nadakip na si Francis Carpio Dagson, 57, at aktibong Barangay Kagawad ng Irisan, Baguio City. Ayon sa PDEA-Cordillera, si Dagson ay nasa kanilang listahan bilang High-Value Individual (HVI), na pinaniniwalaang supplier at
protector sa isang drug den nap ag-aari ni Marivic Rodriguez, na sinalakay din noong Agosto 2 sa Barangay Irisan.

Narekober ng mga operatiba sa bahay ng suspek ay pitong ang pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 13 gramo na may Standard Drug Price na P88,400.00 at isang digital weighing scale. Ang imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya ay isinagawa on-site sa presensya ng naarestong suspek at nasaksihan ni Pros. Bernard Allan Angeles, DOJ Representative at Punong Barangay Arthur Carlos ng Barangay Irisan, Baguio City. Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa kustodiya ng PDEA Baguio para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002.

Zaldy Comanda/Artemio Dumlao/ABN

Amianan Balita Ngayon