Bawala ng vote buying at pagbebenta ng boto sa mga politiko

Matatanggal ba sa kultura at gawi ng mga trapos (traditional politicians) ang pagsasagawa ng vote-buying? At ito ba ay hindi tatanggapin ng mga bontante?
Ito ngayon ang malaking tanong sa mga botante kung ano ba ang nais nilang maging lider ng kanilang lugar, korap ba o hindi? Kasi pag korap na pulitiko yan talagang mamimili yan ng botante upang siya ay manalo.
Kamakailan lamang ay nagsagawa ng isang memorandum of understanding ang mga pulitiko sa lungsod na pinangunahan ng Commission on Election, Department of Justice mga simbahan at religious group kasama ang mga ibang sekta ng lipunana upang isagawa ang nasabing malinis at walang bilihan ng botante sa Unibersidad ng Pilipinas. Hinikayat din ng Comelec na huwag magbenta ng boto sa mga pulitiko, pero sa panahon ba ngayon ay maaalis pa ang ganitong kalakaran?
Pag kumakalam na ang sikmura, sabi nga ng isang kaibigan ko ay “imposble dayta senyur huwes nga haan nga ag-haan nga aggatang ti botos dagita pulitiko ket ibaga met dagitoy botante nga awaten tayo ketdi a ta maminsan tayo lang met makaraman ti tinakaw dagitoy”. Me punto pero sa tatlong taon na pagkakaupo ng mga ibinoto ng mga tao ay bawing-bawi ang mga pulitiko samantalang si juan dela cruz tatlong taon din na maghihirap dahil hindi pinag-isipan ang kanyang boto.
Hinikayat ng Comelc na maging matalino sa pagboto sa darating na eleksyon ang mga taga-Cordillera ito ay upang maging maayos ang pamunuan ng gobyerno.
Sa lungsod ng Baguio nagkaroon din ng covenant sina Mayor Mauricio Domogan na tumatakbong kongresman at ang Kongresman ngayon na si Mark Go na dapat anila ay maging “sports” ang labanan dahil kapwa naman nila gusto na magsilbi sa lungsod ng Baguio.
Gayon din ang hiling ni Councilor Edgar Avila na tumatakbong para mayor ng lungsod at Elmer Datuin na kumakandidato sa pagka-bise mayor ng lungsod na maging maayos at malinis anila ang halalan sa darating na Mayo.
Bukod sa kanila ay tumatakbo rin si Nick Aliping, Peter Rey Bautista, sa pagka-kongresista maliban kay Domogan at Go sa pagka-mayor naman ay sina Edison Bilog, Tonyboy Tabora, Benjie Magalong, Leandro Yangot, Benny Alhambra at Jose Molintas. Sa pagka-bise naman ay sina Faustino Olowan, Peter Fianza, Datuin, Mike Lawana.
Sa ngayon ay dapat maging matalino ang mga botante sa pagpili sa mga iboboto otherwise three years na naman tayong nganga niyan.

Balitaktakan sa Amianan

Amianan Balita Ngayon