Bayan ng Pangasinan malugod na tinanggap ang $40-M investment

Isang $40-million battery manufacturing plant ang di magtatagal na itatayo sa bayan ng Bayambang, Pangasinan at inaasahang magbibigay ng pangkanuhayan at pasiglahin ang ekonomiya ng bayan.
Ang Strategic Alliance Holdings Incorporated, isang kompanya na nakabase sa Bayan ng Bayambang ay pumirma ng isang memorandum
of agreement (MOA) sa US based GR8 Sea Holdings Inc/GR8 Eco Solutions Corporation para sa pagtatayo ng isang
battery cell manufacturing plant.
Base sa MOA, ang dalawang kompanya ay magtatayo ng commercial facilities sa isang limang ektaryang lupa para sa manufacturing at assembly ng battery energy storage systems.
Ang term of the agreement ay tatakbo ng isang taon mula sa petsa ng paglagda sa MOA. Sa kaniyang talumpati sa kaniyang inaugural ceremony, sinabi ni bagong-halal na mayor ng Bayambang Mayor Mary Clare Judith Phyllis Quiambao na malugod na tinatanggap ng municipal government ang mga investors.
“Dahil kapag maraming negosyo, maraming trabahao at kapag maraming trabaho, maraming oportunidad sa progreso,” aniya. Samantala, sinabi ni bagong-halal na Governor Ramon Guico III na ang paganyaya ng mas maraming mamumuhunan sa probinsiya, gayundin ang paglikha ng mas maraming economic zones, ay bahagi ng kaniyang agenda sa panahon ng kaniyang termino.
“We will open doors for domestic and foreign trade and establish trade agreements,” aniya.
Isang espesyal na opisina para sa investment and promotion ng probinsiya ay isinaalang-alang ang best practices in doing business gaya ng pagkakariin ng one stop-shop business centers, upang iwasan ang red tape, at posibleng pagbibigay ng tax incentives at benefits ay lilikhain din, dagdag niya.
Ang MOA ay pinirmahan ng mga kinatawan ng dalawang kompanya sa inagurasyon ni Guico noong Hunyo 29.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon