Bayan sa Ilocos Norte, nasa state of calamity dahil sa dengue

LUNGSOD NG LAOAG – Isinailalim ang bayan ng Dingras sa Ilocos Norte sa state of calamity dahil sa mataas na bilang ng dengue cases na naitala simula Hunyo, ayon sa municipal mayor noong Hulyo 11.
Ayon kay Mayor Erdio Valenzuela na simula nang panahon ng tag-ulan, mayroon ng naitalang 66 dengue cases at isa ay namatay, isang bata mula sa flood-prone barangay ng San Marcelino.
“It was already too late when they brought the child to the hospital,” saad ng mayor.
Sa kasalukuyan, ang fumigation activities ay isinagawa sa Dingras upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
“We have mobilized our village officials and barangay health workers to spearhead the cleanliness drive. Our Municipal Health Unit is also on top of the situation to arrest this problem,” ani Valenzuela.
Dahil nasa ilalim ng state of calamity ang bayan ng Dingras, siniguro naman ng mayor na sapat ang kanilang pondo upang mapigilan ang mosquito-borne disease. L.ADRIANO, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon