By Trevor Yeshua W.Ayangwa UB Intern
BAGUIO CITY – Nagpulong kamakailan ang miyrmbre ng Baguio Tourism Council at ibang volunteers para magtulungan na mabantayan ang kasalukuyang naka-rehistrong buskers na makikita tuwing Linggo sa kahabaan ng Session Road,Baguio City. Ang boluntaryong groupo ay binubuo din ng mga kapwa buskers at iba pang mga mahihilig sa likhang isip ay nagkaisa para paigtingin ang mga bagong programa ni City Tourism Officer Aloysius Mapalo.
Layunin ng BTC na mapasaya ang namamasyal tuwing Linggo sa Session Road, na naging patok sa mga residente at maging sa mga turista,na kung saan ay makikita ang mga buskers. Sa pagsikat ng mga busker ay hindi mapigilan na lumabas ang iba’t ibang character na sumasali,kaya’t isang maayos na pamamaraan ang kanilang ipapatupad upang mailagay sa maayos ang kani-kanilang puwesto na hindi makakasagabal sa mga naglalakad.
Ang pagpaparehistro ng isang buskers ay inayunan ng grupo,base na rin sa pahiwatig ni Quinting Tanseco, ng groupong Otageki, na kinakailangan maisaayos at rehistrado ang bawat isa upang maging limitado lamang ito, dahil kung mapapabayaan at dumami ito ay baka wala ng madaanan ang mga tao. Ang payo ni Tanseco, base sa kanyang karanasan ay “Will everyone receive this okay? Sabihin na natin, not really. I don’t expect like yun ang mangyayari. Everyone has to remember na busking is not a money generating thing.
Hinde meant ang busking para pagkakitaan pagkakitaan natin ng pera. Busking by definition is you showing your art, showing you craft sa mga tao. Yun, if matuwa and tao, eh may tip. And yung reason bakit madaming magagalit dito kasi ginagamit nga nila ito pang regular income nila.” Aniya, “If it’s a need for us to share Session road with our fellow artists or fellow bsukers and if it’s a need for us to do rotational assignments sa session road. Yun talaga lahat tayo masaya.”
Photo Caption
Ang miyembro ng Baguio Tourism at mga buskersnvolunteers na nagsagawa ng pagpu-pulong para sa maayos na pamamalakad sa Session Road tuwing Linggo sa Baguio City.
Photo by Trevor Yeshua W.Ayangwa- UB Intern/ABN
September 13, 2024
September 2, 2024
August 26, 2024