BCPO BINIGYAN NG KAPANGYARIHAN SA PAGPAPATUPAD CITY ORDINANCES SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Nagsagawa ng seminar ang city government at Baguio City Police Office ukol sa mga usapin at tamang proseso sa pagpapatupad ng mga city ordinances,resolution,upang ganap na maipatupad ito sa siyudad ng Baguio.   Hangarin ng seminar, na dinaluhan ng 50 traffic beat man, beat patrollers mula sa 10 Police Stations, kabilang ang operating units ng BCPO na pagbutihin ang operasyon ng pagpapatupad ng batas ng mga pulis sa Bsiyudad.

Ang dalawang araw na seminar on Baguio City Ordinance, Laws, at Resolution ay ginanap sa Fortune Hong Kong Seafood Restaurant, Baguio   Ang BCPO-Human Resources and Development Division (BCPO-HRDD) sa pakikipag-ugnayan sa city government unit ay maayos at matagumpay na naisagawa ang seminar.   Dinaluhan ito nina City Prosecutor Christian Amistad; City Supervising Tourism Officer Engr. Aloysius Mapalo, na nagsilbing resource speaker, kasama sina Traffic Enforcement Unit Team Leader Capt. Mark Botangen; City Secretary of the Sanggunian G.Dan Ricky Ong.

Ang mga paksa ay nakatuon sa mga update at pagpapatupad ng mga Ordinansa, Batas, at Resolusyon ng Baguio City.   “Sa wastong pag-unawa sa ating mga espesyal na batas, ito ay magbubunga ng maayos na ugnayan sa paggawa sa loob ng Local Government Unit ng Baguio at sa mga residente at bisita ng lungsod na ating pinaglilingkuran,” pahayag ni City Director Francisco Bulwayan,Jr.

By Shareen O. Ambros/UB Intern

Amianan Balita Ngayon