LA TRINIDAD PATULOY ANG LIBRENG SERBISYO NG BAKUNA LABAN SA COVID-19

LA TRINIDAD, Benguet

Ang Municipal Health Services Office (MHSO) ng La Trinidad ay patuloy na nagbibigay ng mga libreng bakuna para sa mga residente at walk-ins laban sa COVID-19. Ang programang “Sa Booster PINASLAKAS Para Sa #HealthierLaTrinidad” ay inilunsad noong Oktubre 2022 bilang isang initiative upang suportahan ang komunidad na nagsusulong para sa mga tao na magpabakuna ng booster shot.

Pinalitan nito ang programang “RESBAKUNA” na nagsimula noong taong 2021, na nakatuon sa pagkuha ng pangunahing bakuna laban sa COVID-19 (1st & 2nd dose).   Ayon kay Nurse 1 Recis Dempayos, ng MHSO, noong Pebrero 7,ay nakapagtala sila ng 19 katao na nagpabakuna ng kanilang una at pangalawang boosters. “Earlier this year, meron paring mga nagpapa 1st dose at 2nd dose. Mostly ngayon mga booster, particularly, 1st booster kasi last month, I think, ung mga nag e-enroll na students like HRM na for OJT sa mga hotels and restaurants required na vaccinated with booster.”

Ayon kay Dempayos, “Meron ding mga health-related students like mga nurses at midwifery students, syempre papasok sila ng mga hospitals and they are required, I think, until 2nd booster. But for now, 1st booster muna and after 4 months pwede na silang mag 2nd booster.” Aniya, karamihan sa mga nagpapa-booster shot ay mga mag-aaral na ide-deploy para sa kanilang on-the-job training. Ang mga opisina at establisyimento na kanilang papasukan ay nangangailangan na kumuha sila ng una at pangalawang booster shot para maiwasan ang panganib at pagkalat ng COVID-19.

“Meron din ung mga mag aabroad. So, ang flight nila is March or March onwards until 2nd quarter of this year and undergoing training sila ngayon, like language training or kung ano mang skills training. Pupunta silang Japan and South Korea so, they need 1st booster but for Japan, it require 2nd booster kaya hinahabol nila,” dagdag pa ni Dempayos. Ayon pa kay Dempayos, mayroon bagong programa na “Home Bakuna” para sa mga bedreaden,senior citizen na hindi na kayang magtungo sa health center at special children, na kasalkuyang isinasaayos ang proseso para sa implementasyon nito.

By Franz Angielyn Olarte /UB Intern


Photo Caption

HEALTHIER LA TRINIDAD- Ang Municipal Health Services Office ng La Trinidad,Benguet, ay patuloy sa pagba-bakuna laban sa COVID 19.

Photo by Franz Olarte-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon