412 YEAR-OLD CATHEDRAL, TINUPOK NG APOY

Photo Caption: Tinupok ng apoy ang St. Ferdinand Parish Church na matatagpuan sa Lungsod ng liagan, Isabela.

Photo by Tsidkenu Denise Fernandez Ignacio/ UB Intern/ABN


Tinupok ng apoy ang  St. Ferdinand Parish Church ng siyudad ng Ilagan, Isabela, habang sumasailalim ito sa mga paunang pagsasaayos noong Lunes, Abril 22.  Napinsala ng apoy ang lood at labas ng 412 taong gulang na simbahan, na nagresulta ng pagbagsak ng malaking bahagi ng bubong nito. Ayon kay Fr. Ric-Zeus Angobang, ang kura paroko, napinsala ng apoy ang lahat sa loob ng simbahan at siya ay nasa labas ng parokya nang sumiklab ang sunog.

Nagsimula ang sunog dakong alas-12 ng tanghali mula sa kisame ng simbahan kung saan agad namang rumesponde and Bureau of Fire Protection (BFP) ng Ilagan at rescue 1124 para sugpuin ang apoy na naapula makalipas ang halos isang oras. Habang sinisiyasat ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente, sinabi ng pari na naganap ang sunog habang ang mga manggagawa ay naglalagay ng mga steel trusses sa kisame ng simbahan upang mag-install ng mga ceiling fan, ang kanilang unang proyekto mula ng siya ay pumasok sa parokya noong Agosto 2023.

Hinihiling naman ni Angobang sa mga parokyano na ipag patuloy ang kanilang pagdadasal para sa simabahan.  “Nobody wants this to happen, but we can surrender to God’s mercy and rise from these ashes, and work together to rebuild it.” Kaugnay nito, tulong-tulong naman ang iba’t ibang mga ahensiya sa lungsod upang isalba ang mga natitira sa nasunog na Proto-Cathedral ng Saint Ferdinand Parish ng siyudad ng Ilagan. Wala namang naitalang nasaktan o nasugatan at nag-deklara naman ang mga kawani ng BFP ng fire out bandang ala-una ng hapon.

By Tsidkenu Denise Fernandez Ignacio /UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon