BAGUIO CITY
Mahigpit na pinag-iingat ng Traffic management Unit ng Baguio City Police Office ang mga motorista ngayon
panahon na ng tag-ulan. Ayon kay Capt.Juan Morales Jr., assistant chief ng BCPO-TEU, na ngayon tagulan ay may posibilidad na tumaas ang kaso ng aksidente kapag hindi nag-ingat sa pagmamaneho lalo na’t pabago-bago ang klima sa Cordillera. Aniya, na nasa tao pa rin ang responsibilidad ng pag iingat sa daan at kailangan ay laging nasa maayos ang kalagayan o kundisyon ang sasakyan. Ayon pa kay Morales, iwasan ang pagdaan sa Kennon Road sa panahon ng tag-ulan, sa halip ay dumaan sa maluwag na Marcos Highway para masiguro ang kaligtasan. ‘Nasa tao pa rin ang pag iingat sa daan,’ pahayag ni Morales.
Vannah Carlos/UC-Intern
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025