Nag-alok ng tulong ang Benguet Electric Cooperative (Beneco) sa pagsasaayos ng gusot na kinasasangkutan ng lungsod bunsod ng pagkabigo ng isang kompanya na simulan ang rehabilitasyon ng apat na hydroelectric power plants.
Inaprubahan ni Mayor Mauricio Domogan ang kahilingan ng Beneco na magsagawa ng pagsisiyasat sa tatlong natitirang pre-war power plants sa dako ng Asin River na itinayo sa panahon ng mga Amerikano sa panunungkulan ni dating mayor Eusebius Halsema bilang pangunahing tagapagtaguyod sa pag-unlad ng lungsod.
“We have lined up several technical activities, including liaison works and coordination with the land owners as well as the community and the Tuba Indigenous People’s Organization,” ani Beneco general manager Gerardo Verzosa at Beneco power generation department manager Engr. Ricardo Pallogan sa kanilang naunang sulat sa mayor.
“After the said activities, we will eventually submit to the city government our proposal for the rehabilitation, upgrading and expansion of the city-owned mini-hydro facilities along the (Salyangan and Galiano rivers),” saad ng pamamahala ng Beneco.
Sa loob ng anim na taon ay patuloy na nalulugi ang lungsod ng tinatayang P2.5 milyon kada buwan mula nang pinangasiwaan ng lokal na pamahalaan ang mga naturang pasilidad at ibinukas ang mga ito sa bidding para sa rehabilitasyon.
Ang Kaltimex Energy Philippines, na nanalong bidder, ay nabigo na simulan ang rehabilitasyon sa kabila ng pag-award ng kontrata sa kompanya noong Hulyo 17, 2014.
Ang Beneco ay pinigilan ng lungsod mula sa pagsali sa bidding sa pamamagitan ng isang qualifying rule na ang mga electric cooperatives lamang na nakarehistro sa Cooperative Development Authority ang maaaring magpasa ng bid proposals. Ang Beneco ay nakarehistro sa ilalim ng National Electrification Administration, na pinapayagan ding magbigay ng akreditasyon sa mga electric cooperatives.
Ang Beneco ang naging caretaker ng mga planta matapos na ipinasa ang operasyon nito sa Baguio Water District. Itinalaga ng BWD ang Beneco na mangasiwa sa mga planta habang may karapatan ito sa bahagi sa elektrisidad na nabubuo mula sa mga planta.
Bilang paghahanda sa bidding anim na taon na ang nakalipas ay kinuha ng lungsod ang pamamahala sa mga planta mula sa Beneco at ibinigay sa Kaltimex ang rehabilitasyon at operasyon ng mga planta noong Hulyo 17, 2014.
Sa datos mula sa mga nakaraang operasyon ng mga planta sa ilalim ng Beneco ay makikita na ang lungsod ay nakakolekta ng P31,345,631.99 mula Enero hanggang Disyembre ng 2011 at P28,112,806.14 mula Enero hanggang Oktubre noong 2012.
Sa kasalukuyang sitwasyon ay pinag-aaralan ng lungsod ang pagkumpiska sa P150-million bond ng Kaltimex.
Noong Abril 11 ngayong taon ay nagbigay ng demand letter si Domogan sa Kaltimex para sa pagbabayad ng huli ng damages na nagkakahalaga ng P13,644,500. R.DACAWI / ABN
October 8, 2018
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025