Mahigit 80 porysento na ang natatapos sa itinatayong 55-bed community hospital sa barangay Gonzales, Umingan,
Pangasinan. Malaking kapakinabangan ang ospital sa libo-libong mamamayan ng eastern Pangasinan na naisakatuparan lamang sa administrasyon ni Governor Ramon Guico III. Kalimitan, itinatakbo pa sa Baguio City General Hospital and Medical Center, tatlong oras ang layo, ang mga pasyenteng mula sa mga bayan-bayan ng Eastern Pangasinan.
Ngunit kung makumpleto na ang mga pasilidad ng P200 ospital sa Umingan, agad nang mahaharap ang mga hinaing medikal na karamdaman ng taumbayan sa lugar dahil mabibiyayaan ito ng modernong computed
tomography o CT scan, X-ray, at diagnostic devices. Dati-rating 15-bed lamang ang community hospital sa Umingan na kalapit lamang ng munisipyo sa barangay Poblacion.
Halos 50 pasyente lamang ang kaya nitong pagbigyan sa isang takdang panahon dahil sa kakapusan nito sa kagamitan at serbisyong medikal. Ngunit sa malapit nang matapos na P200M Umingan community hospital, hindi na lalayo pa ang taumbayan, lalo na ang mga hikahos at karaniwang mamamayan ng Eastern Pangasinan, upang
magpagamot at malunasan ang mga karamdaman upang makapagpatuloy ulit sa laban ng buhay.
Ayon kay Gov. Guico III, ang pasilidad na medikal sa Umingan ay isa sa mga unang township project ng kanyang pamunuan at katuparan ng pangarap na tuwirang ma-modernize ang 14 pampublikong ospital sa kanyang probinsya. Pangunahing agenda ng administrasyong Guico III ang mass-based health program para sa mga pangkaraniwang Pangasinense, kaakibat ng iba pang kapaki-pakinabang na proyekto gaya ng transport terminal, commercial area na may modernong pasilidad, housing, daycare center at social hall.
Una nang natiyak ang tuloy-tuloy na libreng serbisyong pangkalusugan sa buong probinsya ng Pangasinan nang maging ordinansa ang programang Government Unified Incentives for Medical Consultations (GUICONSULTA) na
nakatututok sa ‘Preventive Health Care’. Kung dati-rati’y atubili ang mga hikahos na Pangasinenseng magpakonsulta sa kanilang mga karamdaman, sa pamamagitan ng GUINCONSULTA, lahat na’y maaring magtungo upang maeksamen para sa agarang lunas upang hindi pa lumala ang mga karamdaman at maging kapaki-pakinabang na
mamamayan ng Pangasinan
February 1, 2025
February 1, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 10, 2025
February 10, 2025