Benguet PIATF hiling ang 14 day quarantine mandatory completion ng ROFs

LA TRINIDAD, Benguet – Hinihiling ng Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF) for COVID-19 sa National IATF na ikonsidera na kailangang tapusin ang 14-day quarantine period para sa returning overseas Filipinos (RFOs) sa quarantine facilities sa Manila bago sila ipadala sa kanikanilang probinsiya.
Ang Provincial Incident Management Team sa pamumuno ni Dr. Imelda Ulep ay napansin nila na ilan sa ROFs na nabigyan ng quarantine clearance ay hindi nakukumpleto ang 14-day quarantine period sa Manila.
Kung sasailalim muli sa swab test sa provincial facility, ang ilan ay nagpositibo sa coronavirus. Ngunit dahil may clearance sila ay pinayagan silang makauwi habang hinihintay ang resulta. Ang sitwasyong ito ay maaaring magpataas sa mga tsansa ng pagkalat ng COVID- 19.
Habang hinihintay ang pagtugon ng National IATF ay sinabi ni Benguet Governor Melchor Diclas na ang mga hindi nakakumpleto ng 14-day quarantine period na may naunang negatibong resulta ay sasailalim pa rin sa swab test at kinakailangang manatili sa isang isolation facility.
Nanawagan si Department of the Interior and Local Government Provincial Director Rufina Fegcan sa mga local chief executives na magtatag ng kanilang sariling isolation facilities bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga kaso sa ilalim ng quarantine.
Sa limitadong isolation units ng Temporary Treatment and Monitoring Quarantine Facilities ng probinsiya ay hinihimok ang mga munisipalidad na paandarin ang quarantine facility sa kanikanilang mga lugar.
SCA-PIA CAR/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon