MALASIQUI, Pangasinan
Nagbabala ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Pangasinan noong Huwebes sa publiko laban sa overloading at faulty electrical wiring, na mga pangunahing fire hazards sa gitna ng kasalukuyang mataas na heat index sa probinsiya. Ayon kay Fire Senior Inspector Gian Gloreine Galano, 105 insidente ng sunog ang naitala mula Enero 1 hanggang Marso 20, karamihan dito ay sanhi ng faulty wiring. Sa mga ito, 55 ay structural fires (residential at commercial), 28 ang non-structural (damo at basura), at 12 ay vehicular.
Hinimok ni Galano ang mga residente na iwasan ang overloading extension wires at huwag magkonekta ng maraming extension, na
magdudulot ng overheating. Ipinayo rin niya ang hindi paggamit sa mga cellphone habang nag-chacharge at inirekomendang ipasuri ang
mga wiring sa bahay tuwing dalawang taon. Isinusulong ng BFP-Pangasinan ang fire safety awareness sa pamamagitan ng Oplan Ligtas na Pamayanan Program, na humihimok sa mga barangay na bumuo ng community fire brigades at magsagawa ng exit drills na inuuna ang mahihinang mga grupo.
(HA-PNA Pangasinan/PMCJr.- ABN)
March 22, 2025