BIKE FOR A PURPOSE, INILUNSAD SA BENGUET

LA TRINIDAD, Benguet

Inilunsad ng Benguet National High School ang “Bike for a Purpose” na may temang “Moving Forward with Sustained Resilience and Excellence” bilang pagdiriwang ng kanilang ika-33 Founding Anniversary na nakatakdang maganap sa Pebrero 11. Ang “Bike for a Purpose” ay naglalayong makalikom ng pondo para sa pagtatayo ng karagdagang bike racks sa paaralan. Ayon kay Caleb Atas, isa sa mga organizer, ang malilikom na pera sa pamamagitan ng “registration fee” ay gagamitin sa pagpapatayo ng mga kinakailangang “bike racks” o “bike stand” sa loob ng paaralan.

“Doon kasi sa harap ng school may bike stand tayo pero iisa lang kaya kapag pumasok ang mga bata na naka-bike maraming mga bikes na kung saan-saan nalang pina-park, so kulang ang mga facilities natin. Kaya yun ang tinatarget natin, para ma-secure yung mga bikes at para maiwasan ang pagsikip ng daan”, paliwanag ni Atas. Sa tulong ng mga nagboluntaryong organisasyon kagaya ng Cordilleran Comprehensive Action team, mga pulis, barangay tanods, at marami pang iba, ang mga kalahok ay masisigurong ligtas.

Dagdag pa rito, may kumpirmadong 61 kalahok at maaari pang magdagdagan bago ang nakatakdang deadline ng pag-rehistro sa Pebrero 9, 2023. Maaari umanong magregister online, hanapin lamang ang Facebook account ng Benguet National High School at pindutin lamang ang link sa ibaba o maaari rin magparehistro sa kanilang paaralan mismo. Ang pagrehistro ay
nahahati sa dalawang kategorya; ang learners (Grade 7 hanggang Senior High), sa halagang isandaang piso (?100) at Non-learners, sa halagang dalawang daang piso (?200), ang pagbabayad ng registration fee ay maaaring sa Gcash o sa personal, hanapin lamang ang Head Teachers Office sa BNHS.

Ang mga kalahok ay may kalayaang pumili kung “short ride” na may layong 12.5 km., U-turn sa Sadjatan Viewpoint o “long ride” na may layong 17.5 km. U-turn sa Sitio Amsalsal, Banengbeng, Sablan, Benguet ang kanilang ruta. Hinihikayat ang mga kalahok na magdala ng helmet, kung walang helmet ay hindi papayagang makasama o makasali, at magdala rin ng sariling tubig.
“May tubig din, although may mga Marshals along the way na mag aassist din to ensure na walang mangyari. Sa pinaka-huling participant nandoon yung sweeper natin naghihintay para lahat pagdating dito sama-sama”. dagdag pa ni Atas.

Paliwanag ni Atas,na hindi ito pabilisan. “Priority ang safety. Bike for a purpose siya kaya hindi
ito race, for safety lang kasi may mga parts na short term, may sloping tapos balik na naman may
mataas, matirik. As a group na pupunta, as a group din na babalik. Kasi kung may 1st, 2nd, and 3rd
place baka mag-unahan sila, ayaw natin ng ganun. Kasi in the first place, ang purpose natin is to
raise funds.” Bago magsimula ay mayroong orientation na mangyayari, may konting panayam galing sa Daily Cycle Movement Baguio, isang organisasyon na regular na nagsusulong at nagtataguyod ng kaligtasan ng mga kapwa bikers.

Mayroon ding programa para sa pagkilala ng mga sponsors, volunteers, bikers, at iba pang nagabot ng tulong upang maisagawa nang maayos ang aktibidad. “Properly documented lahat ng papasok na registration, magiging transparent tayo or else hindi na nila mapa-patronize ang next activity kapag ganun ang ginawa natin. Kaya as much as possible, open book tayo para makita nila ang lahat… As of now kulang pa yung mga nagbayad ng registration fee so medyo yun ang problema natin, mayroon din yung mga nag register pero hindi bikers just to support the program.”
Ipinahayag din ng mga organizers ang kanilang hangaring maulit ang ganitong programa ngunit
sa iba namang layunin.

Kate Lamigo/UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon