LA TRINIDAD, BENGUET
“Mura ngayon, mahal bukas”, ganito ang hinaing ng mga mamamili sa pabago-bagong presyo ng mga gulay sa La Trinidad, Benguet. Ayon sa Department of Agriculture Field Office ng Cordillera, patuloy na minomonitor ang presyo ng mga lokal na produkto kagaya ng gulay, prutas, at iba pa sa
pampublikong pamilihan. Kinilala ng regional agriculture department ang pagtatayo ng mga vegetable trading centers tulad ng Benguet Agri Pinoy Trading Center (BAPTC) para sa mga magsasaka na gumagawa ng highland vegetables sa Benguet at iba pang bahagi ng rehiyon para ikalakal sa mapagkumpitensyang presyo.
Ayon kay Merjulyn Cruz, isang mamimili sa public market, pansin nito ang pagbabago sa mga presyo ng mga gulay dahil bago pa man ang pandemiya ang kaniyang regular na budget para sa kanyang pamilya tuwing linggo ay ?300 lamang, ngayon naman ay umabot na ito sa ?500 lingguhan. Kung ang pag-uusapan naman ay ang pagba-badyet, iniiwasan umano ni Cruz ang
mga gulay na matataas ang presyo at ipagkakasya lamang niya ang kaniyang budget sa mga murang gulay upang makarami ng mabibili pang gulay.
Ayon din kay Luisa Manuit, suki ng isang bilihan sa Km 5 Public Market, siya ay namimili para sa kanyang pamilya ng mga gulay tuwing tatlong araw. Pansin din nito ang pabago-bagong presyo ng
mga gulay, “the same dyay kina-adu na ngem nanginnginan.” ani ni Manuit.
Shareen O. Ambros/UB Intern/ ABN
February 11, 2023
February 11, 2023
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024