DATING MAYOR NG ITOGON, BENGUET, PUMANAW NA

ITOGON, Benguet

Nagdadalamhati ngayon ang bayan ng Itogon,maging ang lalawigan ng Benguet sa pagpanaw ni dating Itogon Mayor na si Attorney Victorio Palangdan sa edad na 65, umaga ng Pebrero 9. Si Palangdan ay naging Mayor simula noong 2013 hanggang 2022 at naging Board of Director ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) taong 2013. Nagsilbi rin siyang Farm Technician ng Department of Agriculture-Cordillera at former fiscal of Department of Justice.

Si Palangdan ay nagtapos sa korsung BS in Agriculture at Bachelor of Law. Kalaunan ay naipasa ang Bar noong 1986. Para sa mga nakakakilala sa kaniya, isa siyang inspirasyon ng pag-asa at tapat sa pamahahala. Bagama’t wala pang pormal na anunsyo tungkol sa dahilan ng kaniyang pagkakamatay, itinaas na ang watawat ng Pilipinas sa Itogon Municipal Hall, Benguet nang
naka half-mast bilang tanda ng dalamhati at pagbibigay respeto sa dati nilang Alkalde. Ilan narin sa kaniyang mga kaanak at dating kasamahan ang nagpaabot ng simpatiya.

“Apo, maraming salamat sa pagkakataon na makasama ka na magsilbi sa ating kakailyan.
Nakakalungkot na pangyayari at kasama ka at ang iyong buong pamilya sa aming mga panalangin. Paalam and rest in peace, Mayor Victorio Palangdan,” pahayag ni Benguet Congressman Eric Yap
sa kaniyang social media post “I offer my deepest sympathy to the bereaved family and constituents of Former Itogon Mayor Atty. Victorio T. Palangdan. We thank you for your wholehearted service to the people of Itogon and Benguet.” pahayag naman ni Baguio City Congressman Mark Go.

Our condolences to the family of Atty. Victorio T. Palangdan. Sa pahayag naman ni Mayor Benjamin Magalong, “We mourn the passing of a distinctive leader who served the Municipality of Itogon with zeal and fervor. He was the Vice Chairperson of Baguio-La Trinidad-Itogon-SablanTuba—Tublay (BLISTT) Council. We worked closely in the council, which led to the
BLISTTDA that we have today. I am saddened to lose a good friend, adviser and ally.

Chasetine Banig/UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon