Nabibilang na ang araw ng mga korap sa Department of Transportation–Cordillera Administrative Region (DOTr-CAR). Sana magwawagi ang pamunuan nito na mabuking, makasuhan, at mapanagot ang mga opisyal at empleyadong sangkot sa mga katiwalian sa drivers’ license at iba pang mga lisensyang iginagawad ng ahensya. Habang hindi mag-aatubiling magpataw ng parusa si retired Police Brigadier General Glenn Dumlao, bagong talagang DOTr-CAR Regional Director, walang pag-iimbot naman itong parangalan ang mga opisyal at empleyadong gagampan ng tama sa sinumpaang tungkulin sa ahensya.
Ikinumpara ni RD Dumlao ang kanyang halos apat na dekadang karanasan bilang opisyal sa Constabulary Highway Patrol Group (CHPG), Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOTF), hanggang sa pamumuno niya sa PNP Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), na malala din ang korapsyon sa pinamumunuan niyang opisina ngayon. Ayon kay Dumlao, marami na siyang hawak na mga ebidensyang magpapatunay sa mga katiwalian ng mga dating opisyal at empleyado ng DOTr-CAR, at kung ipagpapatuloy pa ang mga kawalang-hiyaan ay idadala sila sa kulungan bilang kaparusahan.
Sa katunayan, mula lang ng huling linggo ng Abril nang mahirang si Dumlao bilang DOTr-CAR RD, dalawang empleyado na ang nag-resign dahil sa nabuking itong katiwalian, dalawa na ang natanggal, at maraming nairesuffle sa iba’t ibang mga departamento sa DOTr-CAR bilang pagsasaayos sa ahensya. Nananawagan ang opisyal ng tulong sa mamamayan namagsumbong ng anumang kalabisan, kapabayaan, at katiwaliang nakikita sa mga opisyal at empleyado ng DOTr-CAR. Sa kagustuhang maisaayos ang DOTr-CAR upang mahusay na mapagsilbihan ang taumbayan, nais mareporma ni Dumlao ang ahensya, malinis ang kagawaran mula sa mga tiwali, at mapanagot sa kanilang kalabisan at pagbabalahura sa serbisyo publiko.
Masalimuot ang krusadang anti-korapsyon. Haharap si Dumlao sa maraming hamon, pati pag-alispusta mula sa mga tatamaang mga personalidad at kalakal. Marami ang hahamak sa kakayahan niyang ipatupad ang reporma at paglilinis sa ahensya. Ngunit bilang batikang intelligence at operations officer sa unipormadong serbisyo, ang krusadang inilunsad ni Dumlao—kung sususugan at susuportahan ng taumbayan—ay tiyak na magtatagumpay.
June 24, 2025
June 24, 2025
June 24, 2025
June 24, 2025
June 24, 2025
June 24, 2025