Binata, huli sa alarm scandal sa BSU

LA TRINIDAD, BENGUET – Agad hinuli ng mga pulis ng La Trinidad ang isang binata sa compound ng Benguet State University (BSU) matapos nitong basagin ang salamin ng fire alarm at pinatunog.
Kwento sa pulisya ni Judith Colas Esway, 42, utility officer ng Engineering Department sa BSU, at residente ng Mamaga, Balili, La Trinidad, dakong 10:10 ng gabi ng Hunyo 3 nang mangyari ang insidente.
Nakaupo si Esway at ang kanyang mga katrabaho sa ikalawang palapag ng gusali ng engineering nang makarining ng fire alarm mula sa unang palapag. Bumaba sila at nakita nila ang isang binata sa kinaroroonan ng fire alarm.
Napag-alaman ng pulisya na ang suspect ay si Ken Sangda-an Esteban, 23, binata, tubong Magdila, Quirino Province at residente ng Km.4 Pico, La Trinidad, Benguet.
Ang kabuuang halaga ng nasirang firealarm ay tinatayang P3,000.
Kinasuhan si Esteban ng maliscious mischief at alarm scandal at pansamantalang dinala sa Benguet Provincial Jail habang inaaral pa ng lokal na korte ang ipapataw na parusa sa kanya. DEBORAH AQUINO at JEZZA MAEH NAGAYOS, UC Interns

Amianan Balita Ngayon