SA MGA sandaling ito, tila hindi na mapigilan ang patuloy na paglobo ng nananalasang covid-19. Dalawang buwan ng nangyayari itong pagtaas ng mga bagong kaso, ngunit atin pa ring mina-mane dala na rin ng pagpapakalma ng mga nakaaalam. May dahilan din naman ang ating kawalan ng agamagam. Kung nitong lampas dalawang taon ng pandemya, hindi tayo nagpatinag, ano na lang ang panibagong hampas ng naghihikahos na virus?
Kung buong tapang nating hinarap ang matinding dagok ng Delta at Omicron, sino itong Centaurus na sinasabing higit pa ang bilis makahawa, at doble pa raw ang hagupit sa pangangatawan? May mga bagay na dapat timbangin sa
ganitong sitwasyon. Una, tumataas nga ang bilang ng mga bagong kaso ng impeksyon. Halos 100 porsyento naman ang Mild at Moderate. Sa simpleng pag-unawa, parang siponsipon lang naman. No big deal. Pangalawa, iksamining maige ang hospital cases. Tila walang gaanong eoekto sa regular na gayung halos hindi ikinababahala ng karamihan,
isang patunay na kampanteng ng tanggap ang huling hirit ng ni covid.
Ang hindi nasisilip ay ang kulturang Pinoy na basta uboubo, sipon-sipon, sa bahay na lang. Neozep, Bioflu ok na. Eh
bakit nga ioospital pa, gastos pa? Kaya naman, kahit na umuusok na lampas bubong ang mga bagong kaso, dedma pa rin. Kinakaya Ng nagawa ang karandamang nararanasan. Ugaling Pinoy, kayanin mo, diskartehan mo, tiisin mo.
Ang isyu na lang Ng bakunahan ay sanhi pa rin ng kulturang Pinoy. Lampas 75 milyon na ang nabakunahan ng
dalawang dosage, bakit ang booster shot ay wala pang 15 milyon. Katamaran, hindi siguro. Kulang sa kaalaman, hindi din. Yun pala, me takot sa side effect, anuman ang naririnig na nangyari ke Pare at Mare na hindi kagandahang karanasan. Kaya naman, unang proyekto sa bagong Gobyerno, PinasLakas, na itinatayang pinalakas na programa ng una at pangalawang booster shot.
Ang kampanya ay babaliktarin, mismo ng mga taga ineksyon ang pupunta sa mga nabakunahan. Bara-barangay,
bahay-bahay. Sa harap ng nakaambang panganib ni Centaurus— ang bagong subvariant —- walang dahilan na
dededmahin muli ang bagong paraan upang tanggapin ng mga brasong Pinoy ang bagong turok.P roteksyon, dyan
susulong ang Pinoy sa harap Ng bagong saltang viral variant. Proteksyon mo ay proteksyon ng pamilya, kaibigan, maging ng kaaway. Maikling Talata: isang taintim na dalangin para sa mapayapang paglalakbay ng namayapang dating Pangulong Fidel V. Ramos. Isang epektibong lider, makabayang sundalo, masusing silbing bayan na nagtaguyod Ng bansa (at Ng Baguio) sa loob ng anim na taon. Sir Tabako, saludo kaming Pinoy at Ibagiw! Isa ring pamamaalam sa aking bayaw na arkitekto, si Baguio boy Emil Pineda. Salamat sa mga alaalang hindi kailanman
mapapawi.
August 8, 2022
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024