BLISTT Mayors tinalakay ang isyu sa trapiko

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinalakay ng Baguio City, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay (BLISTT) Development Council ang mga pangunahing isyu sa trapiko at transportasyon na nakaapekto sa kabuuan ng BLISTT sa isang pagpupulong noong Disyembre 4.

Nauna dito, ang NEDA-CAR bilang kalihiman ng BLISTT Council ay pinulong ang mga eksperto mula sa sector ng gobyerno upang magbugay ng mga istratehiya sa pagtugon sa pamamahala ng mga isyu sa trapiko at transportasyon sa BLISTT.

Ilan sa mga pangunahing isyu ay ang pagdami ng bilang ng mga pribadong sasakyan sa weekends at holidays, mas matagal na oras ng biyahe, kakulangan sa pasilidad na paradahan, at ang pangangailangan sa mas maraming diversion routes sa palibot ng BLISTT.

“Traffic all emanates from Baguio City”, ani Baguio City Mayor Benjamin Magalong na inanunsiyo ang pagpondo ng smart city system na may isang central traffic command center na gumagamit ng artificial intelligence upang makatulong sa pamamahala ng trapiko.

Hinikayat ni Mayor Magalong ang iba pang mayor na magsagawa ng road widening projects na sumusunod sa umiiral na government standards. Hiniling naman ni La Trinidad Mayor Romeo Salda ang tulong ng DOWH-CAR sa pagpapatupad ng road-widening works dahil maraming lugar ang nakatali sa mga kaso ukol sa taxdeclarations at road-right of way.

Sa transportasyon, ang naunang workshop ay natukoy ang isang pagtaas ng bilang colorum jeepneys partikular sa Sablan. Sinabi ng isang kinatawan ng LTFRB na ang mga colorum na sasakyan ay resulta ng pangangailangan ng publiko sa mas maraming transportasyon. Idinagdag pa niya na ang kaniyang opisina ay nakatutok sa pagtulong at paglikha ng mga bagong prangkisa upang tugunan ang pangangailangang ito.

Ibinahagi ni NEDA_CAR Regional Director Milagros Rimando na pinondohan ng NEDA ang ilang pag-aaral na may kaugnayan sa mga isyu ng trapiko at transportasyon sa BLISTT gaya ng Estimating the Urban Carrying Capacity of Baguio City, BLISTT Sustainable Urban Infrastructure Development (SUID) Master Plan, at ang Philippine Transport Plan. Base sa Baguio City Urban Carrying Capacity a sinabi ni Rimando na ang mga pangunahing intersections sa Baguio ay narrating na ang maximum carrying capacity mula pa noong 2015. Ang mga kasalukuyang parking facilities at kalsada at lumagpas na sa carrying capacity sa panahon ng weekends at holidays kung kalian bumibisita ang mga turista, ayon sa pag-aaral.

Sa kabilang banda ay handog ng BLISTT SUID Masterplan ang short and medium-term solutions gaya ng PUJ trunk lines at terminals. Sa long term ay inirekomenda ng pag-aaral ang slope protection para sa outer BLISTT Circumferential roads at building tunneled highways sa kahabaan ng land slideprone roads gaya ng Kennon Road.

Karagdagan dito ay nagpasa ang BLISTT Govering Council ng Resolution No. 01 s. of 2019 na sumusuporta sa House Bill 1337 “An Act Creating the Baguio City, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba, and Tublay Development Authority (BLISTTDA), Defining Its Powers and Functions, and Providing Funds Therefore”.

Binigyan-diin ng mga miyembro na ang Chairman ay dapat ihalal mula sa BLISTT mayors at kailangang maging responsable sa pagtukoy ng mga development programs at projects na may common interest sa mga miyembrong munisipalidad at lungsod ng Baguio.

ML-NEDA-SPCAR/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon